Chapter 16

15.9K 231 22
                                    

CHAPTER 16

"Dude, pwede ba mahiram ang anak mo? Guy bonding." Sabi ni Calvin sa akin nung napadaan sya sa office ko.

"Ok." Sabi ko nang hindi tumutingin sa kanya. Nagta-type kasi ako ng reports.

"Cool." Tapos lumabas na sya. Saka lang ako tumingin at sinundan sya ng mga mata ko.

Hindi man nya nahalata pero iniiwasan ko talaga si Calvin. Oo, iniiwasan ko sya, dahil nasasaktan lang ako

Nasasaktan akong malaman na may gusto sya kay Autumn. Mas nasasaktan akong malaman na gusto rin sya nito. At masakit talaga na pati anak ko, kukunin din nya ang loob.

Oh well papel. That's life.

Maulan pero pinilit ko pa ring pumunta doon, sa lugar kung saan, hinihintay nya ako.

Halos wala na akong makita sa daan, sobrang lakas ng ulan, nakikisama yata sa nararamdaman ko.

Patuloy lang ako sa pagda-drive.

Binuksan ko ang headlights para naman malaman ng kasalubong ko na kasalubong nya ako. Wala kasi talagang makikita sa ganitong panahon eh.

Sa wakas, narating ko na rin ang lugar kung saan hinihintay nya ako.

Bumaba ako ng kotse. I was aware of the rain, I was aware that I am getting soaked. But I didn't mind. I'd rather be seen in this situation than be seen in a broken state.

Waw. English.

Naglakad ako, papalapit sa kanya. Hindi ako nagpayong, ganun din naman eh, mababasa rin naman ako.

Ayun sya, tahimik an naghihintay sa pagbabalik ko.

"Hi Thea." Bati ko sa kanya. "Sorry, walang flowers, lakas kasi ng ulan eh."

Kumulog. Napatingin ako sa langit, pero napapikit naman ako dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

"Kumusta ka na?" Sabi ko, at tumingin sa puntod nya. "Ayos lang ako dito. Eto, haha. Ewan ko ba. Wag ka magagalit ha.

"Magpapaalam na ako sa iyo. Mahal ko kasi kapatid mo eh. Oo, si Autumn. Haha, akalain mo yun? Nagkatotoo yung tukso mo sa akin noon na baka mainlove ako sa kapatid mo. Ayan tuloy.

"At, oo nga pala, may anak na kami. Haha, alam ko na alam mo na yun, syempre nakikita mo kami... kung nasaan ka man.

"Pero alam mo, akala ko magiging maayos na ang lahat. Dahil nga ako yung papa ni Mikey. Akala ko, okay na kami. Hindi naman pala. Masakit kasi, akala ko, ako yung mahal ni Autumn, hindi pala.

"Ayos lang ako, masakit, oo. Pero kaya ko naman 'to eh."

Matagal akong nagbabad sa ulan. Matagal akong naupo sa tapat ng puntod ni Thea.

Mahigit 30 minutes bago tumila ang ulan. Bumalik na ako sa sasakyan ko at nagpunas.

Inistart ko na ang kotse nang biglang mag-ring ang telepono ko.

"Hello?"

"Dude!! Agh shxt. I dunno how to say this. Fxck. Shxt." Tuloy tuloy sa pagmumura si Calvin.

"Hoy! Ano ba?" Sigaw ko.

"Ah fxck. Si Mikey kinidnap!"

"WTF?!" Halos mabitiwan ko na ang cellphone ko. "Where the hell are you?"

"Sa police station."

"I'm on my way."

Shxt. Ito na nga ba yung kinatatakutan kong mangyari eh, yung mawala ang anak ko.

I suspect, si Alyssa ang nagplano nito.

That damned woman.

--------------------------------

Yay, nakapagupdate na rin oha. :D Hahaha. Enjoy. Ako hindi nagenjoy. =____=" Enebeeeeh.

Maikli pa! Ughhh.

----

Nyeh, mali na characters ko! Haha! Ang anak ni Autumn, instead of Mikey, naging Caleb. Ang layo ah. Edit ko muna ibang chaps. Haha! Sorry! 

My Best Friend's BabyWhere stories live. Discover now