Ay, ngyeh, engot ko naman, mamaya muna ako magpantasya dito. Kailangan ni Austin my loves ang tulong ni super Jay. Tinaas ko ang kaliwang kanan ko at tumakbo papunta sa kotse niya. Inayos ko ang pagkatulog niya at umupo sa drivers seat. Teka, saan ko kaya to dadalhin. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Dinukot ko yung pitaka niya, may lamang pera, baka nasa 5 to 10k siguro pero hindi ko na pinansin, baka pagkamalan pa akong magnanakaw. May isang calling card dun. Binasa ko yung address niya. Hmmm. No wonder, mayaman nga siya kaya siyempre sa sikat na subdivision ang bahay niya. Sinulyapan ko ang gwapo kong katabi.

"Hoy Austin my loves!! Pasalamat ka at hindi ako kidnaper kundi kawawa ka siguro pag gising moh."

Swerte ko naman, kahit hindi ko trineat ang sarili ko, isang napakagandang nilalang naman ang katabi ko ngayon. Take note, hindi lang minuto kundi isang oras ko siyang makakasama dahil babagalan ko ang takbo ng kotse. Oh, di bah? Sulit. Dati-rati, sa papel ko lang siya nakikita pero ngayon, kaharap ko na siya, ay katabi pala. Hmmm. Bango moh Austin. Promise, swerte ng mapapangasawa mo. Naglakas loob talaga ako kanina na kausapin siya. Parang do or die bah... Sayang ang pagkakataon pag pinalampas ko pa. Hihingi pa sana ako ng fan sign kaso lasing nga eh, tsaka wala akong dalang bolpen.

Nakarating na kami sa  subdivision nila. Hindi muna ako pinapasok ng guard sinenyasan ako kaya hininto ko na. Kinilatis muna ako. Eh sino bang hindi magdududa sa itsura ko, naka rugged lang tapos, butas pa ang tuhod, at may sumbrero.

"Ah sir, kaibigan ko po si Austin. Lasing siya kay ako na ang nagdala." paliwanag ko pero parang may duda pa rin. Kaya pinakita ko yung ID ko na janitor ako sa building kung saan sila nag-inuman. Sa wakas, pinapasok na rin kami. Nagbeep ako ng makarating sa gate nila. Nakita ko lang yung house no. Hindi nga kaduda-duda na kanya to. Ang laki eh, pwedeng gawing bahay ampunan, mas malaki pa dun. Naopen agad. Nagtaka ako, automatic pala. Ay oo nag pala may tinatawag na tayong sensor ngayon. Ahm, oo nga pala. Hay, kailangan ko talagang mag-aral eh, wala akong kaalam alam. Napag-iwanan na ako.

Bumukas agad yung pintuan at may nakatayong maid base sa uniporme. Gulat na gulat at nawala ang atok ng makita ako.

"Ah, iniuwi ko lang ang boss niyo, wag kang mag-alala, hindi ako masamang tao." sabi ko habang akbay si Austin na parang mantika. Ang bigat niya promise. Tinulungan ko siyang pumasok, pinilit kong ihakbang ang paa ko nang mag salita siya.

"Salamat talaga dude hindi ko kaya ang sarili ko." bulong niya habang nakapikit.

"Ayos lang tol, saan kwarto mo?" tanong ko naman. Pero wala ng sumagot.

Sinenyasan ako nung maid nila kaya sumunod na lang ako, kasama si Austin na  ang bigat. Dumating kami sa taas ng bahay nila gamit ang elevator. Ewan ko kung ilang palapag to. Baka tatlo lang pero bakit pa kailangang lagyan ng elevator. Bumukas ang isang napalawak na silid, sobrang laki para sa isang pamilya pero kwarto lang niya ito. WOW! Kailan kaya ako makakatira sa bahay na ganito. Yung kahit ganito lang kalawak na bungalow. Hindi naman ako humihingi ng isang mansion tulad ng kabuuan nitong bahay nila. Inihiga ko siya sa kama niyang sobrang laki. Wow kutson. Hay! Ang gandang pabertdey naman toh. Makahiga nga sa kutson niya.

"Ang sarap!" bulong ko. Tumingin ako sa nakatulog na si Austin. Ang gwapo niya talaga, promise hindi ako makaget over sa yo. Tumayo ako at

Living in Different World ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon