Chapter 37

13.5K 204 0
                                    

TIIM ang bagang ni Atty. Buluran na umibis ng sasakyan. Sa kamay ay tangan ang isang puting papel.

"He's here," bulong ni Joaquin sa anak.

Nakahinga nang maluwag si Jake. Kalahating oras nang delayed ang kasal at panay na ang parinig ng obispo, isa sa officiating priests na may komperensiya pang dadaluhan.

Tuloy-tuloy sa unahan si Atty. Buluran. Hindi pa nito suot ang jacket ng tuxedo, and Jake had a feeling that something was wrong.

Ganoon din ang nadarama ni Joaquin at hinawakan ang balikat ng anak.

Take it easy, ang nais nitong iparating.

"Where is she?" anas ni Jake nang makalapit ang abogado.

Imbes na tumugon ay iniabot ni Atty. Buluran kay Jake ang papel na tangan. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya iyon.

Dad,

Don't try to look for me. You're all I have and you've hurt me beyond words. As for Jake, he could marry you himself.

Willa

"No!'' dumagundong sa buong simbahan ang tinig ni Jake. The press would describe it later as a voice of a man in great agony.

And that was an understatement. Jake was doomed. Mabilis siyang tumakbo palabas ng simbahan, ngunit hindi naman malaman kung saan susuling.

Namataan niya ang puting-puting limousine na siyang bridal car. Hinaklit niya ang pinto at isinalya palabas ang tsuper.

"Get him!" sigaw ni Joaquin. Nag-aalalang baka mapaano ang anak. Ngunit nakalabas na ng patio si Jake. In the process ay ilang bagong-bagong sasakyan ang nagalusan at nayupian ng pinto o kaya ay bumper. Hindi siya bumubusina kaya nagkagulo ang trapiko nang makalabas siya ng kalsada. He was on the wrong lane!

Natigil ang daloy ng trapiko at hindi rin siya makaabante. Umibis siya ng sasakyan at tumakbo palayo.

"That'shim!" sigaw pa rin ng mga humahabol.     

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon