Chapter 35

13.4K 195 0
                                    

ALAS-DIYES ng umaga. Puno ng mga rosas ang aisle ng simbahan. Ang pulang carpet ay mukhang bagong vacuum. Ang nasa patio ay pawang magagarang sasakyan, at ang mga umiibis ay pawang makikisig, at ang mga babae ay puno ng mamahaling alahas. At lahat ng mga ito ay may ngiti sa mga labi.

Why not? They were about to witness Jake Delano's wedding to Willa Buluran.

Si Jake ay kanina pa nasa unahan, pinagpapawisan na. Maya't maya niyang itinutuwid ang suot na tuxedo.

"Dad—" bulong niya sa ama, na siya ring best man sa kasal. "Dumating na ba si Attorney?" tanong niya. Kung dumating na ang abogado, tiyak na dumating na rin si Willa.

Ang tatlong paring mag-o-officiate ng kasal ay nasa unahan na. Tipong naiinip na.

Kompletona ang mga abay, flower girls at mga sponsors. Ang tanging kulang na lamang ayang bride.     

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon