Chapter 14

15.2K 268 0
                                    

ANG BAHAY ni Jake ay nasa gitna ng malawak na manggahan. Nabili ng binata ang lupang iyon five years ago. Noon ay hindi nito pinapansin ang mga punong-mangga. Ngunit napagtanto nitong malaki rin pala ang kikitain sa mga iyon. Puwede na itong mabuhay nang
matiwasay.

But he was a city boy. And farming wasn't his cup of tea. Nagpupunta lamang ito roon kapag gustong mag-relax, o kapag may babaeng pinagtataguan.

Dalawang palapag ang bahay. Out of place sa paligid dahil moderno ang yari. Pinturado pa at ang mga bintana ay salamin.

"Wala bang problema?" tanong ni Jake sa tauhang lumapit pagkababa nila ng sasakyan.

"Wala naman po, Ser." Nakatingin iyon kay Willa. Siya lamang ang babaeng isinama roon ni Jake.

"Sabihin mo kay Aling Viring, ipaghanda kami ng pagkain. Gutom na itong kasama ko—" Kinabig ni Jake ang kanyang balikat.

She was pleased and thrilled to be close to him.

"Opo, Ser," anang tauhan.

"Welcome to my humble abode," wika ni Jake nang pumasok sila sa loob. "Humble" wasn't the right word. Kompleto iyon sa mga modernong kagamitan. Marmol ang sahig at kulay-mais ang wallpaper.

"It's cozy," ani Willa. And maybe, "cozy" wasn't the right word either. Welcoming. Parang nag-aanyaya ang malalambot na cushions, at sa ayaw at sa gusto ay mare-relax ka.

Isinara ni Jake ang pinto. Pagkatapos ay hinubad ang polong suot.

Napamulagat si Willa. Bakit ito naghubad? Para siyang ipinako sa kinatatayuan, ngunit hindi maalis ang tingin sa katawan ng binata. Kung lalapit ito sa kanya at yayakapin siya ay hindi niya magagawang tumanggi.

"Halika muna sa itaas," yaya ni Jake.

Namilog ang mga mata ni Willa. "A-ano'ng gagawin natin doon?"

Kamuntik na namang humagalpak ng tawa si Jake. "Doon ka magpahinga. Manood ka ng TV kung gusto mo. Malamig doon."

Kabado ang mga hakbang ni Willa, ngunit wala rin namang balak tumigil. Dalawa ang magkatabing silid sa itaas. Binuksan ni Jake ang una.

"This is my room," anito at tuloy-tuloy sa loob. Binuhay ng binata ang air-conditioning. Pagkatapos ay binuksan ang closet at kumuha ng T-shirt doon at isinuot.

Hindi malaman ni Willa kung matutuwa o hindi. Buong akala niya ay may iba nang binabalak si Jake, and she almost died of anticipation. Magpapalit lang pala ito ng damit.

"Maupo ka muna diyan," wika nito.

Sa silid ay mayroong VCD at TV na
malapad ang screen. Sa isang sulok, sa may kanan ng kama, ay may maliit na estanteng mga tabako ang nakalagay.

"Hindi ka ba nananakawan dito?" tanong ni Willa.

"May security system dito. I won't take chances. Narito yata ang collections ko." Sinulyapan ni Jake ang estanteng kinaroroonan ng mga tobacco cigars.

"Kahit na. Paano kung iyong security men mismo ang magnakaw?" She looked around. Talagang maraming puwedeng nakawin doon.

"Hindi mangyayari 'yon. Loyal sa akin si Mang Simon—asawa ni Aling Viring. Pinag-aral ko ang mga anak nila at sa amin din nagtatrabaho. Hiniling ko lang sa mag-asawa na manatili dito."

Tumango si Willa. "Dito mo ba balak tumira? I mean—if you would settle down?" tanong pa niya.

Nagkibit-balikat si Jake. "No. But I'm keeping this property. Gusto kong may mapasyalan ang mga bata. Gusto kong maranasan nila kung paano umakyat sa puno—I never had that experience. Magmumukha naman akong baliw kung ngayon ko gagawin 'yon," anito and realized he was talking too much. Sino ba sa mga girlfriend nito ang pinagsabihan nito ng ganoon? Wala. Natatakot si Jake na masira ang playboy image. He could not be caught dreaming of having a wife and kids who would make him just like the rest. At para dito, iba ito sa lahat.

"I see," wika ni Willa. "It never occurred to me that you're planning to have a family."

"Not really," ani Jake. "Just— just in case. You see, I'm not like the rest."

"I wish I'm like the rest," wika naman ni Willa. All her life, she was different. And it brought her so much loneliness.

Hindi naman nakaligtas sa binata ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. "Are you different?" tanong nito kahit alam na ang sagot. He could clearly see that she was different. Naupo si Jake sa tabi niya. "You should be proud, you know?" anito. Iniangat nito ang kanyang mukha. He stared long at her face and was overwhelmed by something stupid and helpless at the same time. Kailan pa ito nagpaalam para hagkan ang isang babae?

Napalunok si Willa. She wanted to kiss him, too. "I-I..." she stammered.

"What?" Jake asked. His voice was suddenly husky.

"W-what am I supposed to say?" tanong niya.

Bahagyang tumawa si Jake. "You don't have to
say anything—" He leaned forward and his mouth touched hers, pagkatapos ay bigla ring natigilan. Naiwang nakaawang ang bibig ni Willa. Why did he stop? Were her lips not kissable enough? She couldn't accept his rejection. She looked away at titindig na lamang siya nang pigilan ng binata ang braso niya.

"Wait—"

"You don't want to kiss me," ani Willa, cursing herself for saying it. Parang gustong-gusto niyang mahagkan nito. But it was the truth.

"No—" he whispered. "I want to, I just couldn't. Hindi ko alam. I-it's something I can't explain—"

Ang hindi maipaliwanag ni Jake ay natatakot ito. The moment his mouth touched hers, a frightening feeling overwhelmed him. Ang pakiramdam nito, sa sandaling mahagkan siya, he'd lose everything. Maybe it was like dying. He didn't know what was beyond that endless sleep. And kissing her would be like being pulled into that sleep. And he wasn't ready to go. It was the point where there would be no turning back.

"Jake—" anang tinig mula sa pinto. Kasabay niyon ay mga katok.

"Bumaba na tayo. Nakahanda na siguro ang mesa," wika ni Jake.

Tahimik siyang tumindig at sumunod sa binata.

"Kumain na kayo, Jake," wika ni Aling Viring, sisenta na marahil at may katabaan.

Hinagod nito ng tingin si Willa at kitang-kita niyang napangiti ang babae.

Kahit masarap ang inihandang pagkain ay pareho silang hindi makakain. Kapwa may kanya-kanyang iniisip.

Jake was thinking how he was supposed to amuse her, have fun with her, and how it would eventually lead them to bed. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari.

Iniisip naman ni Willa kung ano ang nangyari sa kanyang magic spell. Kung tumalab iyon kay Jake,
gaya ng paniniwala niya, bakit ngayon ay parang takot itong lumapit sa kanya? At hindi niya alam kung pabor iyon sa kanya o hindi.

Tinapos ni Jake ang pagkain. "Maiwan muna kita rito. May kakausapin lang ako."

"Puwede ba akong sumama?" tanong ni Willa, talagang naguguluhan sa binata. Just this morning he was acting as though he couldn't wait to have her. But after that brief kiss, which wasn't a kiss at all, he changed.

Hindi niya malaman ang iisipin, at nangamba pang baka naman hindi mabango ang kanyang hininga. But that was not possible.

"Magpahinga ka na lang. Babalikan na lang kita kapag uuwi na tayo," anito.

Lalo lamang napamulagat si Willa. Dinala ba siya roon ni Jake para lang pakainin at pagpahingahin? At bakit naman masyado siyang umaasa?

Napatitig naman sa kanya ang binata. Wala naman talaga itong kakausapin. Nais lamang nitong maglakad sa manggahan. Mag-iisip. Baka sakaling mahanap nito ang sagot sa mga tanong.

"Ikawang bahala," ani Willa.    

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon