Chapter 24

13.2K 206 0
                                    

"TOTOO ba ang sinasabi mo?" biglang tanong ni Atty. Buluran kay Jake nang marinig ang sinabi nito.

"Yes. I love her. Wala nang iba pang dahilan kung bakit ko siya gustong pakasalan," anito.

"Paano ka nakasisiguro? Paano ako makasisiguro na nagsasabi ka ng totoo?" may duda pa ring wika ng abogado.

"Give me your blessings. I'll give you my word, I'll never hurt her. Araw-araw kong patutunayan sa 'yo kung gaano ko siya kamahal. Araw-araw mo 'yong makikita, for she would always be happy."

"My God! She's a witch!" bulalas ng abogado, nangingilid na ang luha at tuwang-tuwang nayakap si Jake. "Huwag mo sa akin patunayan, Jake. Kay Willa. Sa kanya mo patunayan ang pagmamahal mo, araw- araw."

Nayakap din ni Jake ang abogado. 

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon