Chapter 20

13.6K 256 0
                                    


NAGYAYA munang kumain si Jake bago tumuloy sa kanilang bahay. Sa isang restaurant sa Makati sila pumasok. Hindi pa sila nakakaupo ay may tumawag na rito. Isang babae at palapit na iyon sa kanila.

"Jake, it's good to see you here—" Natigilan ang
babae at napatingin sa kanya. "W-Willa?" anito. Parang hindi makapaniwala at shocked pa.

"You know her?" tanong ni Jake sa babaeng lumapit.

Si Willa ang nagsalita. "We were classmates in college." Isa ang babae sa mga umiwas sa kanya noon, matapos kumalat ang balitang mangkukulam siya.

"Yeah. Nice to see you again, Willa," matabang na bati sa kanya ng babae. At nang tila hindi nakatiis, kumapit sa braso ni Jake. "Would you excuse us for a second, Willa?"

"Sure," tugon niya at nagmamadaling hinila ng babae sa isang sulok ng restaurant si Jake.

"H-hey, what's up, Dianne?" tanong ng binata.

"That woman. Kilala mo ba kung sino siya?" pabulong na wika ng babaeng nagngangalang Dianne.

"Of course. I'm marrying her, and you have to be there at the wedding," wika ni Jake. Minsan nitong naging fling si Dianne, ngunit naghiwalay rin ang dalawa. Ang resulta naman ay naging magkaibigan sila.

"What?!" bulalas ni Dianne. "Are you crazy? You can't marry her," diin nito.

"And why not?" Parang gusto nang mapikon ni Jake.

"Because she's a witch." Bilog na bilog ang mga mata ni Dianne. "I'm telling the truth, Jake. You should've seen that boyfriend of hers. It was awful—those pimples!"

Malakas ang halakhak ni Jake. Nakaabot pa sa pandinig ni Willa iyon. Nagpatuloy pa si Dianne. "Makinig ka sa akin, Jake. Mangkukulam ang babaeng 'yan."

"I know," simpleng tugon ni Jake. "She told me. And right now, I'm under her spell. Be there at the wedding, Dianne," anito at bahagyang tinapik sa pisngi ang kaibigan bago iniwan.

Walang nasabi si Dianne.

Ngingiti-ngiti si Jake pabalik sa mesa nila. "Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin?"

Umiling si Willa kahit more or less ay mayroon siyang ideya kung ano iyon.

"She told me about that boyfriend of yours. Is that true? Tinubuan daw ng maraming pimples," ani Jake.

"Yes. He broke my heart. He deserved it," aniya. Her eyes were teasing him.

"Inthat case, I have to be careful," anito. Hindi pa rin ito naniniwala namarunong nga siya ng witchcraft. Ngunit hindi na importante iyon. She can bewhat she wanted to be, as long as she stayed with him.     

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon