Chapter 11

15.2K 294 19
                                    

DAPAT sana ay matuwa siya, ngunit hindi. Iba ang paniniwala ni Jake. Nagbago ang isip ni Atty. Buluran dahil higit na mas malaki siguro ang inialok ng ama niya rito. Maybe the whole fortune.

I won't allow this, sumpa niya sa sarili. Mabilis siyang tumindig at dinampot ang jacket sa likod ng upuan.

"I'VE GOT good news," pag-aanunsiyo ni Joaquin pagdating sa shop ni Willa.

"What?" she asked. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa matanda. Nang mag-dinner sila ay deretsang sinabi nito ang hangarin sa kanya. Wala siyang maisip sabihin.

"Hindi kita minamadali. Take your time, Willa. Huwag mo lang akong pigilan na gawin ang gusto
ko. And that is to please you,"
tandang-tanda niyang wika ni Joaquin sa kanya kagabi. Alam niyang hindi niya ito magagawang ibigin, ngunit hindi niya magawang tapatin.

He was so good to her. Laging nakaalalay ang matanda sa kanya. Alagang-alaga siya. And she felt safe. Higit sa lahat, hindi pinagtatawanan ni Joaquin ang mga nalalaman niya sa witchcraft. She could talk freely to him about it. He didn't find her weird.

Naupo si Joaquin sa isang stool. "I've mentioned your shop to a friend of mine. He collects antiques and he liked that frame you sold me. He would visit this shop."

Kumislap ang mga mata ni Willa. Iyon lang ang kailangan para makilala ang shop niya—an antique collector who could tell his friends and then his friends would tell their friends and so on.

"Thank you," aniyang puno ng sinseridad at
pasasalamat.

"Ano'ng dapat ipasalamat? You have a great collection here," wika ni Joaquin. He wanted to hold her. She was so beautiful, she looked vulnerable.

"Thank you for being a good friend, Wacks," ani Willa. Hinagip ni Joaquin ang kanyang kamay, pinisil iyon.

"I want to be there for you, all the time," anang matanda nang mapatingin sa may pinto.

"Ang aga mong manligaw, Dad. Kailan ka pa naging Intsik?" wika ni Jake. Akala ni Willa ay nagbibiro ang binata kaya tumawa siya, ngunit tumigil din nang makitang seryoso ang anyo nito.

"Ikaw? Bakit maaga ka rin? Intsik ka na rin siguro," ganti ni Joaquin.

"Pumasok ka muna, Jake," wika ni Willa at humila ng isang stool.

Tinulungan siya ni Jake at sinadya nitong mahawakan ang kanyang kamay. Nang napatingin siya sa mukha ng binata ay kinindatan siya nito.

Namula siya hindi dahil sa ginawa nito, kung hindi sa reaksiyon niya. Parang nawala sa lugar ang puso niya.

Naupo si Jake sa stool. "Alam ko na kung bakit at home ka rito, Dad," anito habang nililinga ang paligid. "Mga kasing-edad mo ang naririto—"

"And he's going to inherit my money," wika ni
Joaquin kay Willa.

"May lakad ba kayo?" tanong ni Jake.

"I'm going to ask her out, dumating ka lang," anang nakatatandang Delano.

"I'm going to ask her out, too. I guess it's my turn," wika ni Jake at nginitian si Willa.

Namangha naman si Willa sa nangyayari. Pinag-
aagawan siya ng mag-ama. Sumobra yata ang love spell!

"Si Willa ang magdedesisyon, Jake," wika ni Joaquin.

Hindi malaman ni Willa ang gagawin. Kung pipiliin niya si Jake, hindi lang magdaramdam si Joaquin, baka isipin pa ni Jake na gusto niya ito. Kahit totoo ay ayaw pa niyang ipahalata.

"So, ano'ng pasya mo, sweetheart?" tanong ni Jake sa kanya. Lalo nang nagsirko ang puso niya. Parang narinig niyang tumunog ang lahat ng kampana sa daigdig nang tawagin siya ni Jake na "sweetheart."

"Mag-Jack en Poy na lang kayo," ani Willa. Sabay na tumawa ang mag-ama. Amused. She could see their similarity, at nakikita rin niya ang kakaibang closeness ng dalawa.

"Okay, let's do it," wika ni Joaquin. Inihanda ang kamay. "One—two—three—"

Gunting ang kay Joaquin, samantalang si Jake ay naka-thumbs-up. "Talo ka, Dad," wika ni Jake.

"What's that?" maang na wika naman ng ama. Itinaas ni Jake ang hinlalaki. "Diyos. Kaya umuwi ka na lang, Dad. Walang tatalo rito."

"Hindi kasali ang ganyan," angal ni Joaquin.

"Dad," ani Jake habang si Willa ay naaliw sa dalawa. "Noong naglalaro ka ng Jack en Poy, wala pang Diyos na kasali. Pero ngayon, updated na ang Jack en Pay. It's part of the change," paliwanag pa nito.

Tumingin kay Willa ang mas matandang Delano. "Totoo ba 'yon, Willa?"

She nodded because she wanted to be with Jake.

He winked at her again.

"Okay. I'm a sport. Have a good time, you two," wika ni Joaquin at tumindig. Ngunit bago lumabas ng
shop ay tiningnan nang makuhulugan si Jake, parang
nagsasabing, take care of her.

"Ang mabuti pa, magpalit ka na ng damit. Something sporty," wika sa kanya ni Jake.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ni Willa, parang biglang natakot nang mawala na si Joaquin. Jake was simply overwhelming.

"Surprise,"ani Jake.     

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon