Chapter 19

13.8K 240 1
                                    


NASA opisina nito ang abogado nang matanggap ang tawag ng anak.

"Nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi?" sigaw nito at nai-imagine na ni Willa ang anyo ng ama

"P-pauwi na kami, Dad,"aniya. Nasa sasakyan sila at binabaybay ang kahabaan ng South Expressway.

"Nasaan ang walanghiyang 'yan? Kakausapin ko!" Alam na ng ama na si Jake ang kasama niya dahil nasabi naman dito ng mga katulong.

"Dad, I'm sorry, but it's gonna be all right. M-magpapakasal kami ni Jake," wika niya.

Hindi niya alam na lalo lamang nadurog ang puso ng kanyang ama. "D-do you love him, Willa?" tanong nito na tila nahahapo.

"Yes, Dad" aniya.

"Let me talk to him," hiling ng abogado. ibinigay ni Willa kay Jake ang cell phone.

"Attorney—" malumanay na wika ni Jake. Ngunit sigaw ang itinugon ng abogado.

"Hayop ka! Nakiusap ako sa 'yo. I begged you
to leave my daughter alone. What have you done?" Parang iiyak na ang abogado. "What have you done to my daughter?" At iyon ay katanungan din ni Atty. Buluran sa sarili. What have I done?

Bumuntong-hininga si Jake. "Mag-uusap tayo, Attorney, but not on the phone. We will talk," anito at pinatay ang cell phone.

"Ano' ng sabi niya?" tanong ni Willa.

Hinawakan ni Jake ang kanyang kamay. "It will
be all right. I promise."

"I believe you. I love you," aniya. Pinisil ni Jake ang kanyang kamay. When he was making love to her, it wasn't she who surrendered herself. It was him. Noong una ay naramdaman pa nito ang kakaibang takot. But once he'd given in to his own feelings, it wasn't frightening at all. Instead, there was contentment. Alin lamang sa dalawa, ang nawalan na talaga ito ng interes sa iba pang bagay o nasumpungan ang matagal na nitong hinahanap. Whatever the reason was, it didn't matter. He was happy.

"Someone told me a few weeks ago that I'd be getting married in a couple of months. I didn't believe it, pero totoo pala," anito.

"Bakit hindi ka naniwala?" tanong ni Willa.

"Dahil wala akong balak pakasal noon. Now, everything has changed." Hindi sigurado si Jake kung nagbago talaga ito o natagpuan lamang ang sarili.

"It's frightening, isn't it?"

"Mmm... yeah, but not really. It's just your mind telling you to be afraid. It's your heart you should listen to," wika ni Jake.

"Many would disagree," ani Willa, ngunit amused sa mga sinasabi ni Jake. Sino ang mag-aakala na ang lalaking ito ay hopeless romantic pala?

"Rightnow, I don't care," anito at dinala sa mga labi nito ang kanyang kamay.    

Black Magic Woman by Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon