17: Fall

710 15 0
                                    

Sorry kung Napaka tagal ng ud ko
Months ? Sorry talaga ... So this is it pancit

Btw .. Happy New year Samin
Hahahaha charot pasalamat kayo saming mga Chinese wala kayong pasok hehe . jokii

-------------------------------------------

"Bagay na bagay po talaga kayo" hiyaw ng isa naming fan ni Cheska.

Tumingin sa akin si Cheska sabay ngumiti nang pagkatamis-tamis at lalong paghigpit sa pagkakahawak ng aking kamay.

Naghiyawan muli ang mga tao sa loob ng mall.

Kung titingnan, aakalain mong totoo lahat nang ipinapakita namin sa publiko. Pero tulad nga ng mga bansag sa amin, mga aktor at aktres kami ni Cheska. Trabaho naming umarte.

"Maraming Salamat po sa inyong lahat mga CheMik. Sana'y patuloy niyo po kaming suportahan at ang ang aming bagong Teleserye, ang' Ashes of Love'." huling mensahe ni Cheska bago namin lisanin ang entablado.

***

Ako nga pala si Miko de Villa. Isa akong tanyag na aktor. Kung dati, laging isinasantabi ang talento ko sa pag-arte, nag-iba ang lahat simula nang ipareha ako kay Cheska. Maganda, sexy, mabait, at higit sa lahat, magaling sa larangan ng pag-arte si Cheska kaya naman isang biyaya ang mapili ako bilang kanyang maging kapareha. Nagsimula kami sa isang teleserye bilang 'supporting actors' hanggang sa unti-unti kaming nakilala at nabansagang 'Mga Bagong Mukha ng Drama'. Simula noon, sunod-sunod na ang mga dumating na proyekto sa amin. Mga TV commercials, guesting, teleserye-- bilang mga bida na, at siyempre, pelikula.

Mahal na mahal ko talaga ang pag-arte. Kaya naman ginawa ko ang lahat maalagaan lang ang imaheng mayroon ako sa harap ng maraming tao. Ipinakita ko kung gaano ako ka-sincere sa pag-arte. Sa bawat eksena namin ni Cheska, ibinibigay ko lahat ng best ko.

Noon, ang akala ko ay parte lamang nang pag-arte ko lahat ng kilig at ngiti sa mukha ko sa tuwing ka-eksena ko si Cheska. Akala ko, "carried away" lang ako sa bawat yakap at halik. Kaya naman lumalabas na totoo at may nabubuong relasyon na sa pagitan namin.

Pero dumating ang pagkakataong napagtanto ko sa sarili ko na gusto ko talaga siya. Nariyang sumisimple akong bigyan siya ng mga pagkaing luto ng Mommy ko. Gustong-gusto ko na umamin kay Cheska. Kaya nagpasya akong umamin sa kanya sa araw na ibigay sa amin ang bago naming proyekto.

Pero, umatras ako sa araw na dapat aamin ako.

Sa araw na iyon, ipinakilala sa amin si Darren, ang magiging bago naming katrabaho. Kilala ko naman na noon pa si Darren. Darren used to be my old friend. Kasabay ko siya dati nang i-enroll ako ni Mommy sa isang acting workshop. Kaya nga natuwa akong siya pala ang bago naming katrabaho ni Cheska. Ang magiging second lead male sa teleserye namin.

Akala ko magiging masaya ang lahat ng mga susunod na mangyayari. Pero nagkamali ako.

Nakita ko kung paano ngumiti kay Darren si Cheska. Nginingitian din naman ako ni Cheska, pero madalas nga lang na sa harap ng kamera. Iba ang bawat ngiti na ipinupukol nya rito. Ngiting may ningning, mga ngiting bihira kong makita 'pag kasama nya ako maliban na lang sa mga eksena namin.

Nalaman kong dati palang naging magkatrabaho si Cheska at Darren sa isang TV Soap noong mga bata pa lang sila. And it cannot be denied that Cheska missed him. It was obvious on how cheerful she was when she discovered that we'll be working with Darren. I know and I admit it to myself that I'm jealous.

As days went by, unti-unting natutunaw ang lakas ng loob kong magtapat kay Cheska. Sana lang, kung gaano kadali matunaw ang kompiyansa ko sa sarili ay ganoon rin kadaling matunaw ang feelings ko para kay Cheska. I'd witnessed how excited she is every scenes she'll be having with Darren. Minsan nga napapaisip akong sabihin sa kanya na it should be me whom she should show affection kasi nga ako ang kapareha niya. Co'z d*mn I'm jealous! But how can I even tell that to her kung feelings ko nga 'di ko masabi.

Hindi na rin niya tinatanggap ang mga luto ni Mommy na inaaalok ko sa kanya because as she always say "I'm on a diet, Miko. Baka makahanap ka ng mas sexy-ng partner kaysa sa akin eh."

But how unfair she is. I know I'm overreacting but I'd discovered that Darren asked her for how many times to eat with him. How could she even have a diet with a menudo and buttered chicken wings?

Maybe, kung gaano kadaling ipagsawalang bahala ang tuna sandwich ni Mommy, ganoon rin ako.
I feel like I turns into nothing in Cheska's eyes whenever Darren's around. Oo, I still have everyone's attention, pero ang gusto ko sa akin lang niningning ang kulay abong mga mata ni Cheska.

Maybe, I really lack something. Something I, myself, can't even figure out.

Hindi man nila aminin sa publiko o maging sa mga staff, they were the blind item on a tabloid who's secretly going out. Maaaring hindi lang nila maisapubliko dahil may mga pangalan at imahe silang pinoprotektahan.

Ayokong maniwala noong una, not until Darren merrily entered my shooting tent with a wide smile and a news that made me broken and finally believed that I can no longer have the chance to have Cheska's love, not even to confess my feelings for her.

For a few months that had passed, I knew that Cheska's happy and so my friend Darren. Hindi ko kayang alisin ang mga ngiting mayroon ang mga taong ito para lang mapangiti ko ang sarili ko.

It was really time for me to let go. I just have to finish this project and I'll let my self move on and heal.

Kung sa mga pelikula at teleserye, ako ang bidang artista. Pero sa kwento ng kaibigan kong si Darren at ng mahal kong si Cheska, isa lamang akong dakilang EKSTRA.

Sad Stories (One Shots)Where stories live. Discover now