18: Grandfather's Favorite

538 15 0
                                    


I'm grandpa's favorite.
Yung lolo ko matulungin yun, mabait, mapagbigay, mapagmahal.

Marami na siyang natulungan na mga tao. Isa kasi siyang bombero.

Sabi ni lolo noon paborito nya ko,
Sabi ni lolo noon princessa nya ako

Lagi ko siyang kasama noong bata ako. Lagi nga lang siyang umiinom noon, kaya madalas akong inutusan ni lola na hanapin yung lolo ko upang pauwiin na siya.

Hanggang sa dumating yung araw na nagkasakit siya. Na stroke si lolo.

Nong pagkauwi nya galing sa hospital, Hindi nya na ako maalala, Hindi nya na naaalala ang paborito nyang apo. Masakit ang nararadaman ko nong araw na iyon, naiiyak ako pag naaalala ko ang araw na yun.

Hanggang sa mga ilang araw, buwan at taon ay unti- unti nya nang nabibigkas ulit ang pangalan ko.

Tinatawag ko siya minsan sa name nya kasi natatawa siya don. Gusto ko kasing lagi siyang masaya.

Pero makalipas yung mga taon, lumalaki na din ako, lumaki na ang paborito at princessa ni lolo.

Nagiging maarte na ako, Hindi na ako masyadong lumalapit o nagpapakita sa kanya. Umiiyak din kasi siya pagnakikita nya ako, naawa ako sa kanya.

Mahal na mahal ko ang lolo kahit Ganon ako ka salbahing apo nya.

Di ko na kasi gusto ang Amoy ng kwarto nya.Pero ang naaalala ko,
Last akong nagmano sa kanya nong time na mabaho ang kamay nya dahil kinakamkam nya na ang kanyang dumi sa pwet nya. Ang ginawa ko ay nilagyan ko ng madaming alcohol ang kamay at noo ko. Tumatawa siya habang umiiyak na nakatingin sakin. Pero nong time na iyon habang ninailcutter ni mama si lolo,sabi ni mama "may t** yang kamay ng lolo mo, huhugasan ko pa yan pagkatapos. Wika ni mama. Pero ang sinabi ko lang na " okay lang yan ma" ( sabay sa pagmano)at ngumiti si lolo.

Ngayon nagsisisi na ako.
Nalaman Kong wala na ang lolo ko.
Patay na si lolo. Iniwan na ako.

Nanaginip lang yata ako, baka pwede pa akong gisingin baka lang panaginip lang to lahat.

Sabi ni mama " patay na talaga si lolo mo Jean, di na ito panaginip".

Kaharap ko ngayon ang kabaong ng lolo ko habang sinusulat ko ito habang umiiyak na halos lahat ng tao ay tumitingin sakin.

Nagsisisi ako, ang salbahi ko. Hindi ko man lang napasaya ang lolo ko bago siya nawala, Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya.

Ngayon, wala na, wala na si lolo.

Sad Stories (One Shots)Where stories live. Discover now