Rebound #7

608 17 0
                                    

C H A P T E R  7

 

September 3, 2014

 

Nagising ako na nasa bahay na at natutulog sa sofa si Justine. Tumayo naman ako agad at lumapit sa kanya. I start tracing his brows to his nose and lips. Halata sa mukha niya yung eyebags niya. Lalo na ang laki ng pinayat niya.

Naramdaman ko na gumalaw na siya kaya naman agad akong tumayo at tumalikod na. Lalakad na sana ako pero huli na, nahawakan na niya ang kamay ko saka ako hinapit papalapit sa kanya at kinalong.

Bago pa man ako makapagsalita ay niyakap na ako nito sa likod at pinatong ang ulo nito sa balikat ko.

“M-mey. Ngayon lang. Please. Pagkatapos nito. Lalayo nako. Hindi na kita iistorbohin.” Mahina nitong sabi. Napakagat labi na lang ako sa pagpipigil ko ng luha.

Nang magtagal ay ramdam ko ng namamasa ang balikat ko. Narinig ko siyang humikbi ng mahina. Dito ko na nilabas ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang mga ito sa pagdaloy.

Lalo pa ng hinawakan nito ang sinapupunan ko at hinahaplos na para bang may gustong sabihin sa mga bata.

“Wag niyong papahirapan si Mama ha? Lalayo lang si Papa.“ Bulong nito sa tenga ko ng may nanginginig na boses. Boses na para bang nagpapaalam sa kambal namin.

 

A U T H O R

 

Matapos nito ay agad din na kumalas sa yakap si Justine. Nagpunas na ito ng luha at nagayos na para bang walang mali, walang masakit at walang nangyari.

Agad na nitong pinatayo si Thalia saka na din siya tumayo at lumabas ng kwarto nila.

Sa kabilang banda naman ay patuloy pa din sa pag-iyak si Thalia. Umupo ito sa kama saka yumakap sa tanging huling memorya nilang magkasamang masaya, ang stuff toy na binigay nito noong bago pa man ito maospital.

Yakap niya lang ito habang humihikbi kahit na alam nito na makakasama sa kanila ng mga anak nila ang patuloy nitong pagiyak.

Kasalanan ko. Kasalanan ko. Sana hindi siya umiiyak. Sana hindi siya nasasaktan. Sana hindi siya lalayo kung di dahil sa ginawa ko.Bulong nito sa sarili.

OptionWhere stories live. Discover now