Rebound #4

1K 26 6
                                    

C H A P T E R 4

Naramdaman ko na lang na may humalik sa noo ko.

"Mahal kita. Di ko lang alam paano ipakita. Lalo na alam ko na ang nasa isip mong hindi kita mahal. Minamahal."

-

Minulat ko ang mga mata ko. Napapikit naman ako uli dahil sa liwanag ng mga ilaw. Hinayaan ko na muna na makapag'adjust yung mata ko saka nagmulat uli.

Panaginip lang pala. Akala ko yun na. . .

Teka. Anong nangyari?

Napalingon ako sa kaliwa ko. Bigla naman akong napangiti sa nasilayan ko.

Si Justine lang naman na tulog at nakahawak sa kamay ko.

Iniayos ko yung buhok niyang madalas niyang itaas. Saka naman sinundan ng paghawak ko sa kilay nito papunta sa matangos niyang ilong gamit ang daliri ko.

"Mangyayari pa kayang mahalin mo ko?"

Napaalis naman agad ang daliri ko ng biglang umungol ito. Agad na din akong umayos ng parang tulog pero huli na ng nagawa ko yun.

Nakita na niya akong gising. Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako agad.

"Buti naman gising ka na. Okay ka lang ba? Walang masakit? Gutom ka ba? May gusto ka?" Tuloy tuloy nitong sabi. Napangiti na lang ako sa kilos nito.

Napansin niya sigurong nakayakap ito sa akin kaya agad naman itong humiwalay sa yakap at umayos sa kinauupuan.

"Ahm. T-tawagin ko lang yung nurse." Pautal nitong sabi.

Pero bago pa ito nakatayo. Hinawakan ko ang kamay niya kaya naman hindi ito nakaalis. Hinawakan naman nito ang kamay ko ng pabalik.

"Okay nako Dey." Mahina kong sabi habang nakapikit at hawak ang kamay niya.

Naramdaman ko namang hinalikan nito ang kamay ko na nagtulak sa mga luha ko para magtraydor at tumulo. Sunod pa nito ang paghalik nito sa noo ko. At sa tiyan ko na mas nagpaluha pa sa akin.

Narinig ko itong napabuntong hininga at naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya naman binitawan ko ang kamay niya at tumalikod para magpunas ng luha. Pero bago ko pa magawa yun ay naiharap nako nito sa kanya saka na pinunasan ang mga luha ko na tumutulo pa din mula sa mata ko.

Nakapikit pa din akong lumuluha habang siya naman ay tumabi sa pagkakahiga ko at yumakap. Lalo lang akong umiyak sa ginawa niya. Mas nahihirapan lang akong magpanggap na hindi ako nahuhulog at nasasaktan na walang sumasalo sa akin habang patuloy akong nahuhulog sa kanya ng paulit ulit at bumabagsak lang naman sa wala.

H I S

Oo. Mahal ko siya. Nasasaktan ako na nakikita siyang umiiyak. Alam ko na nasasaktan siya pero ako itong walang magawa.

Dahil sa ano?

Sa takot.

Pero mas takot akong mawala pa siya sa akin.

Ang hindi ko lang alam ay kung paano ang simulan ulit ang nawasak sa kanya.

Alam ko na hindi siya katulad nila. Pero sa sakit noon. Hindi ko na alam kung paano magtiwala pa.Na kahit sarili ko hindi ko na pinagkakatiwalaan. Kaya ayan siya nasasaktan ng dahil sa akin.

Mahal na mahal ko siya. Nangunguna lang ang takot sa puso ko. Takot sa lahat ng bagay na posibleng mangyari.

Gusto kong ayusin. Ang tanong paano?

Araw-araw. Gabi-gabi. Iniisip ko. Nagtatanong ako. Paano nga ba.

Minsan na akong nasaktan ayoko na ulit. Duwag na kung duwag. Pero ayoko na.

Pero sabi ng puso ko na mas masasaktan lang ako kung wala akong gawin kahit na alam kong mahal ko siya at nasasaktan na siya.

S O M E O N E

Alalahaning. Lahat ng tao nasasaktan. Oo. Walang taong hindi nagkakamali sa kilos. Tiwala lang naman hindi ba? Masasaktan at masasaktan ka. Pero kapag andyan na yan? Kapag nakuha mo na. Maiisip mo na. It's all worth it.

Mahirap ng magtiwala sa nasirang tiwala. Lalo na ang tiwala sa sarili.

Takot?

Wag magpaovercome sa takot. Kase yang takot na yan. Yan ang nagpapahina sa tao. Nagca'cause na magsisi ang tao sa bandang huli. Naiinis. Nagagalit sa sarili dahil wala silang magawa ng dahil nagpadala sila sa takot nila.

Mahal mo siya. Pero takot ka. Hindi mo ba naisip ang mga tap sa paligid mo? Ang anak mo. Ang pamilya mo. Ang kaligayahan mo.

May gumagabay. May umaantabay. Lahat ng bagay nangyayari sa isang rason. Pero yan?

Yan ay dahil plano para sa bawat isa sa atin. Pero sa bawat planong yan. Tayo. Ikaw. Ikaw at ikaw pa din ang kikilos at gagawa ng daan para maipagpatuloy ang lahat. Kase kapag tumigil ka. Para saan pa at sinimulan mo yang bagay na yan?

Nagsayang ka lang ng pagod. Nagaksaya ng oras mo. Kaya tapusin mo na. Hanggang sa alam mong. Masaya ka na.

Sa kasiyahan. Hindi pwedeng puro ginhawa. Dahil kung wala yang mga yan. Mahina ka. Ang mga yan ang nagiging paraan para lumakas ka. Para sa mga susunod pang mga pagsubok? Matibay ka. At habang lumalaki yang tatahakin mo.

Patuloy ka pa din sa paglakas mo. Patuloy ka sa buhay mo. Patuloy kang nagtitiwala. Masaya. Nagmamahal.

Oo. Sabi nila walang happy ending. Sabi ng iba meron. Pero sabi nga di ba? Hindi pa yang ang katapusan kung hindi ka masaya.

Pero kung ginusto mo yang pagtapos sa buhay mo ng dahil sa bagay na pwedeng pwede pang lutasin. Pwedeng pwede pang pagusapan.

TANGA MO. BOBO MO. MANHID MO.

Andiyan si Lord oh? Lagi lang siyang andiyan. Hinihintay kang lumapit para tulungan ka. Di naman siya umaalis eh. May tamang oras lang siya sa lahat ng bagay. Maaaring hindi pa ngayon yan dahil may mga kailangan pang hintayin. Kailangan pang gawin. Pero kapag nakamit mo na.


WORTH IT. Remember that, Justine.



OptionWhere stories live. Discover now