Pain #7

137 3 7
                                    

C H A P T E R 7


Natapos na naman ang araw na kasama ko si Aislinn sa buong araw. Pinilit ko siya na huwag na lang na magpunta sa opisina pero nagpumilit siya. She ended up watching me work. 11:57 na din ako nakauwi ng bahay dahil sa medyo out of the way ang bahay ni Aislinn sa bahay ko. Unlike yung condo niya medyo malapit lang sa subdivision ko.

Nang makapagpark na ako sa garahe, kinuha ko na ang susi ng bahay. Bubuksan ko pa lang sana ang bahay pero nakita ko ng bukas ang pinto na ikinataka ko naman. Pumasok ako ng marahan saka inilibot ang tingin ko sa bahay. Nang makaamoy ako ng alak ay sinundan ko ang amoy nito. Nakita ko si Donia na nakaupo sa counter habang may anim na walang laman na bote ng alak sa harapan niya. May lima pang may laman pero nakabukas na at isa naman na nangalahati na na hawak hawak niya at tinititigan.

Lumapit ako rito para matignan siya ng mabuti. Kitang kita ang kaibahan niya sa halos dalawang buwan na hindi ko siya kinikibo.

Kung noon ay ang payat niya'y pang'model. Ngayon ang payat niya ay talagang payat. Lumiit ang mga pisngi nito at lumalim ang mata. Halos wala na siyang laman sa katawan.

Ano bang nangyare sa'yo Claire?

"Uy! Andyan ka na pala Keenan!" Malasing lasing nitong sabi.

Inubos muna nito ang laman ng bote na hawak niya bago kumuha uli at tumayo na halos matumba na siya sa kalasingan. Lumapit naman ako sa kanya para alalayan siya pero agad naman niyang tinabig ang kamay ko saka uminom ulit.

"Distansyaaaa! HAHAHAHA. Sorry. Nakaistorvo ba ako?" Ika nito sabay tawa ng mapakla.

"Nakikiinom lang. Ubosh na alak ko sa bahay eh." Sunod pa nito bago pa ako makasingit.

Inubos niya ang hawak niya saka kinuha ang isa at lumakad papaalis sa kusina papuntang sala. Sinusundan ko ito ng paunti unti dahil baka bigla itong matumba. Humarap ito sa akin at ngumiti ng pilit.

"Akyat na! Ako na magshasara ng gate. Pramish. Ay. Wala pala non." Sabi nito habang lumalabas ng pintuan na kulang na lang ay matumba ito.

"Donia." Tanging nasabi ko na lang habang papalapit sa kanya para alalayan siya at papasukin uli.

"Hep! Dishtansya di ba? HAHAHAHA. Byee!" Sabi naman nito habang naglalakad ng gumegewang na para bang matatakasan ako.

Bago pa man siya makahakbang palabas ng gate ay napaupo na ito. Uminom muna ito sa alak na hawak niya saka sinusubukan pang tumayo. Nang makatayo siya ay hindi nakaligtas ang mga luha na tumutulo sa mata nito.

Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinanonood ko lang siyang umiiyak at papalayo.

Ito ba, Pain? Ito ang gusto mong ibigay niyang distansya? Bestfriend ka niya pero ikaw mismo ang nananakit sa kanya.

Lumakad ako papunta sa garden saka humiga sa duyan roon. Nakatitig ako sa bituin na katapat ko. Bituing laging nag'iisa.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya pati na rin tinabihan siya sa ilalim ng puno.

"Iniwanan na ako ng lahat eh. Ulila ako. Ngayon naman namatay si Lola. Habang si Lolo naman matagal ng wala. Ano pa bang natitira sa akin? Wala." Sabi nito na parang wala sa sarili.

"Ako. Pwede mo naman akong maging kaibigan o kaya kuya." Ngiti kong sambit sa kanya.




"Alam mo ba na sabi ng magulang ko noon. Mga namatay daw ang mga bituin na 'yan? Mga symbolism daw kung ilan na ang namatay." Sabi nito habang nakayakap sa akin at lumuluha.

OptionWhere stories live. Discover now