Rebound #5

851 19 2
                                    

C H A P T E R  5

 

August 11, 2014

Isang linggo na magmula nung araw na yun. Mula nung araw na nahimatay ako. Mula nung unang beses ko siyang nakitang maging katulad ng kung ano siya bago pa siya naging cold sa lahat.

Isang linggo na din mula nung nagsimula siyang maging sweet. Maging totoo. Para bang naging kumportable na siya. Na sana hindi isang hamak na pagpapanggap.

Kung panaginip lang ‘to sana hindi nako magising. Sana tulog na lang ako.

Medyo nagulat naman ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. Sabay pa nito ang paghaplos sa tiyan ko.


“Ang lalim ng iniisip mo Mey.” Sabi nito.

Hinawakan ko na lang ang mga kamay niya at sumandal sa dibdib niya. Hinalikan naman nito ang buhok ko at inamoy pa.

“Iniisip ko lang yung mga nakaraang araw.” Sagot ko sa kanya.

Mukha namang alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya naman hinayaan ko na lang ito.

Napahigpit naman bigla ang hawak ko sa kamay niya ng may kumirot sa dibdib ko. Kumalas ako agad sa yakap niya at nagpunta ng banyo. Sumunod naman ito sa akin at hinagod ang likod ko habang hawak niya ang buhok ko.

Humarap ako sa salamin, nagmulmol at naghilamos ng mukha. Habang siya naman nasa likod ko na mukhang nag’aalala. Tumalikod ako sa salamin at humarap sa kanya sabay yakap rito.

“Dey. Maayos ako. Wag kang mag’alala. S-sanay nako.” Mejo napautal kong sabi. Naramdaman ko na lang na may kumikirot sa dibdib ko pero binaliwala ko na lamang.

“Mey naman. Maayos ba yan?” Sabi nito at hinawakan ako sa mukha.

“Putlang putla ka na. Gusto mo ba sa ospital ka na muna?” Sunod pa nito. Hinawakan ko na lang ang kamay niyang nasa mukha ko.

Ang sarap pala ng pakiramdam na ganito. May taong nag’mamalasakit sa’yo. Taong mahal na mahal mo pa. At ramdam mo na mahal na mahal ka din niya.

“Wag na po. Dito na lang tayo ha? Gusto ko katabi kita.” Paglalambing ko naman dito.

Binuhat naman ako nito ng pangkasal at hiniga ako sa kama. Sinara nito ang pinto ng veranda namin at tinabihan na ako.

Yumakap ako sa kanya at hiniga ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap niya ako at haplos haplos ang tiyan ko na para bang kausap ang batang nasa sinapupunan ko.

// Later that day

P.E time namin ngayon. Obviously, pinapayagan pa naman nila akong magtake ng P.E subject ko. Kailangan ko din naman daw ng exercise para di ako mahirapan manganak tsaka para sa din kay baby.

“5 minutes rest.” Saka naman agad na nagpunta sa office niya si Sir Sison.

Umupo muna ako sa bleachers saka uminom. Isa ‘to sa mga subject na hindi ko kasama si Justine. Naiinis nga siya kase sa dami ng subject na pwede kaming paghiwalayin, ang P.E pa na delikado raw para sa akin.

Naramdaman ko naman na kumirot ang dibdib ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko saka pinakiramdaman kung bakit kumikirot. Pangatlo na ‘to ngayong araw na parang nagpapalpitate ako.

“Lia? Okay ka lang ba? Sabihin ko na kay Sir na iexcuse ka ha?” Sabi agad ni Dom ng kalapit niya sa akin. Yeah. Si Dom na pinsan ni Justine. Siya lang kase kilala ko sa subject ko na ‘to.

Umiling na lang ako bilang sagot tsaka na tumayo sa pagkakatawag ni Sir sa amin.

Naglalakad na ako pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko sunod ay sa tiyan ko.

Nang papalapit na ako bigla na lang nagdilim ang lahat at wala na akong nakita.

T H I R D

 

Nang mapansin ko ang pagkaputla ni Lia ay hindi ko na binaling ang tingin sa iba. Kaya naman nung makita ko na halos natutumba na siya, agad na akong nagpunta sa kanya. Buti na lang sakto na nasalo ko pa siya.

Binuhat ko na siya agad papuntang clinic. Wala namang nurse doon kaya agad na akong nagpunta saan nakapark yung sasakyan ko. Sinakay ko na siya tsaka na nagdrive papuntang ospital.

H I S

 

Natapos na din ang subject ko. Tinignan ko yung phone ko para makita kung nagtext ba siya. Ang bumungad lang sa akin ay 3 missed calls galing kay Dom. Bago pako tumawag sa kanya ay nakitaq ko na ang pangalan niya sa caller ID ng phone ko.

“Taena naman, Insan. Hihintayin mo pa bang mamatay yung asawa mo bago mo sagutin tawag ko? Nasa ospital kame ngayon, kasama ko asawa mo.”

“Ano?! Saang ospital? Itext mo saken pupunta nako agad.”
Tsaka ko na binaba agad yung tawag.

Nung mabasa ko saan. Agad na akong nagpunta sa parking lot at nagdrive papuntang ospital. Nagtanong na muna ako sa nurses’ station para sigurado sa room number. 4205.

“Tol. Bat andyan ka? Si Lia? Kamusta?” Bungad ko ng makita ko na nasa labas si Dom.

“Di ko kaya sa loob. Iyak ng iyak si Lia matapos siyang kausapin ni Doc. Pinapakalma na siya ngayon.” Lumabas na yung mga nurse tsaka na kami pinayagan na pumasok sa kwarto.

Pumasok ako sa kwarto at bumungad sa akin ang nakahiga at namumutlang babae. Parang hindi siya. Ilang oras ko lang siyang iniwan ganito na agad ang lagay niya.

“Jhay, una na ako. Hahabol nako sa subjects ko sa school.” Bago pa siya makalabas ay nagsalita na ako.

“Dom. Anong nangyare.” Lumabas na lang sa bibig ko na parang walang buhay at wala sa sarili habang hawak yung kamay niya.

Kinwento niya ang nangyare pero parang wala akong naririnig. Nakatitig lang ako sa mukha ng asawa ko. Ng mahal ko. Pinagmamasdan kung gaano siya kaganda kahit ano pang mali ang nakikita sa kanya ng iba.

Naramdaman ko naman na tinapik ako sa balikat ni Dom bilang pagpapaalam nito. Tumango na lang ako kahit na hindi tumitingin sa kanya.

“Baket ka ba kase umiyak? Ano bang sinabi sayo ni Doc?” Napalingon ako sa pinto ng may biglang pumasok.

“Ate Jane.” Nasabi ko na lang. Napansin ko naman na nakauniform siya na puti.

“Ikaw ba doktor ni Lia?” Tanong ko rito. Pero hindi ako sinagot nito. Pinasunod niya lang ako sa kanya palabas ng kwarto.

---

Hi guysss! Sorry late :< Dami ng ginagawa. Busy pa. Sana basahin pa din. Ajujuju. Loljke.

Comnent. Vote. Spread.

Thank you. Ingat. God Bless.

OptionWhere stories live. Discover now