Rebound #3

1.3K 23 6
                                    

C H A P T E R 3


August 4, 2014

"Yow! Lia!" Napaangat ako agad ng ulo at napatingin sa nakahawak sa balikat ko.

"Hey!" Sabi ko na lang na parang may panghihina sa boses.

"Saan si Insan?" Tanong naman nito tsaka umupo sa tabi ko.

"Bumili lang ng pagkain." Sabi ko sabay subsob ng mukha ko sa bag kong nakapatong sa mesa.

Andito nga pala kami sa cafeteria. Break time na namin kaya nag'aya na akong kumain. Gutom na rin ako. Sinabayan pa ng pag'iiba ng pakiramdam ko.

"Ah. Sabi ko nga. Kailan pa yan?" Napatingin naman ako sa kanya sa tanong niyang yun.

"Ang alin?" Tanong ko pabalik.

"Yung sa leeg mo." Sagot naman nito.

Inayos ko naman agad yung damit ko para matakpan yung mga bakas na nasa leeg ko tsaka humarap uli sa kanya.

"A-ah. Napansin mo pala." Sagot ko naman.

"Ako pa? Parang hindi naman ako lalaki niyan." Sabi pa nito.

"Lalaki nga ba?" Pang'iinis ko sa kanya.

Binigyan niya naman ako ng death glare tsaka na bumalik sa usapan namin.

"So, kailan nga?" Pangungulit pa nito.

"Nung sabado lang." Sabi ko tsaka yumuko.

"Monday ngayon. 1. 2. Dalawang araw pa lang. At mukhang matagal yang nilagay na lovebite ni Insan. HAHAHAHA." Pangb'bwisit pa nito.

"Dominic Japhtal." Warning ko sa kanya.

Tumawa lang siya at di ako pinapansin kaya naman hinyaan ko na lang siya. Sinubsob ko na lang uli yung mukha ko sa bag ko.

Pakiramdam ko namumula ako. Paano ba naman kaseng hindi. Pinaalala pa sa akin ni Dominic. Yung gabing din yun kase katapos namin kumain at nag'ayos. Nahiga na ako dahil nga sa nahihilo ako. Eto namang si Justine sumunod na rin.

Nung una yumakap lang siya sa aking mula sa likuran. Akala ko yun na lang. Pero maya'maya bumulong din siya. "Sabi mo kanina may mamaya pa." Yan ang bulong niya. Nagtulug'tulugan na lang muna ako nun dahil sa alam ko anung gagawin niya. Kaya lang di ko na matuloy dahil sa naramdaman kong pinapapak na niya yung leeg ko.

Di ko naman siya mapigilan. Ayaw ko din namang mawala yung kalayaan niya bilang lalaki. Nawala na nga yung pagiging malaya niya dahil sa akin, pati ba naman yun?

"Oh. Insan." Narinig kong sabi ni Justine kay Dom.

Nakayuko pa rin ako. Iba ang pakiramdam ko. Ayaw kong gumalaw ng gumalaw.

"Mahal? Ayos ka lang?" Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya saka tumango. Pinilit kong ngumiti para hindi na siya magalala sa akin. Kaya lang mukhang fail. -_-

"Namumutla ka e." Sabi niya sabay yakap sa akin sa may baywang tsaka hinihimas ang tiyan ko.

"Okay lang." Sabi ko saka sumandal sa may dibdib niya.

"Gutom na kami." Sunod ko pa.

Hinalikan niya ako sa may bumbunan ko habang yung mga kamay niya ay nasa tiyan ko pa rin.

"9 weeks na pala siya noh? Ang bilis." Bulong nito sa akin sabay halik sa tenga ko habang hinihimas ang tiyan ko.

Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Kahit papano naman pala. Andito pa rin yung concern niya. Andito yung magmamahal niya kahit man lang sa bata.

"Sige na. Kain na." Agad naman na sabi nito matapos nun.

Mahirap pa rin ba sa kanya kaya ayaw na niyang ilabas yung topic?

"Daya naman niyan insan. Ako wala?" Sabay upo ni Dom sa harapan namin.

"Bumili ka dun. Sa takaw mong yan sa tingin mo ba magkakaron ka pa dito." Sagot naman nito sa pinsan niya.

"Biro lang insan. May klase pa ako. Sige na. Bye Lia." Ngumiti na lang ako sa kanya tsaka na siya umalis.

"Sige na. Kain na." Sabay lapag nito sa harapan ko ng pagkain.

"Salamat." Sagot ko na lang dito tsaka pinilit na ngumiti.


Sumubo na ako sa pagkain ko. Bigla namang umikot yung paningin ko kaya naman pumikit muna ako ng matagal saka na muling nagmulat. Umiinom ako agad ng tubig. Napalingon ako agad kay Justine para sana sabihin sa kanya nang bigla na lang nawala lahat sa paningin ko.


OptionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt