Pain #3

114 4 0
                                    

C H A P T E R 3

Don't let the past carry who you are today, let yourself learn from the past.

-


Nagising na lang ako ng madilim pa sa labas. Tinignan ko si Don na nasa kama, mukha pa naman masarap ang tulog niya kaya naman napagpasyahan kong iwanan muna siya. Tumayo nako saka nagpunta ng park malapit sa tinitirhan ni Donia.


This place have so much memories to remember.


Inilibot ko ang tingin ko sa park nang mapansin ko ang puno kung saan madalas naming pinagtatambayan noon. Lumapit ako saka hinawakan ang mga nakaukit na pangalan.


Claire x Anexsander


Napabuntong hininga na lang ako saka bumalik na sa condo ni Donia. Nagtanggal ako ng shirt ko gaya ng nakasanayan ko tuwing magluluto ako. Nagsimula nakong magluto ng aalmusalin niya. Boiled egg, fried rice at bacon. Nagtimpla na din ako ng kape at naghapag ng tubig.


Maya't maya pa ay naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko habang nagluluto ako ng soup na paborito nito.



"Sander." Rinig kong bulong nito.


Hindi na lang ako kumibo saka na pinatay ang gas stove.


"Upo ka na doon. Hahapagan na kita ng sabaw." Sabi ko ng malamig sa kanya.


Mukha naman itong nagulat at nahimasmasan ng humarap ako at tignan siya ng walang kaemo'emosyon.


Kumalas ito sa yakap at umupo na sa may counter ng kusina niya. Hinapagan ko na siya ng makakain niya saka na din nilagay sa plato niya ang pagkain.


"Kain ka na." Sabi ko saka na tumalikod para makaligo na.


"B-bes." Halos pabulong na sabi niya.


Hinarap ko siya saka hinalikan sa noo. Ngumiti na din ako ng pilt para masiguradong ayos lang.


"Wala kang kasalanan." Malamig ko pa ding sabi habang papaalis sa kusina.


Pumasok na ako ng banyo sa kwarto at sinindihan na ang shower. Nagbabad muna ako ng kaunti para mahimasmasan ako sa sakit ng ulo ko.


Sakit ng loob.

-


"Alis na ako. May trabaho pa ako."



"Kumain ka muna." Sabi nito ng pahabol.


"Hindi na. Busog ako."


Sa parehong tono pa din ng pagsasalita ko tapos ko siyang halikan sa ulo. Agad na din akong lumabas ng unit niya at sumakay na sa sasakyan ko.


Trabaho. Mas mabuti nga.

"What's my schedule for the day." Malamig kong tanong sa secretary ko kadating ko ng office ko.


Kita naman na hindi nab ago ang pagiging malamig ko sa kanila kaya naman ay sumagot na lang ito sa tanong ko. Trabaho naman talaga niyan.


"You have your meeting at 10 with the investors, lunch meeting with our Financial Manager and Company Auditor, at 3 pm you have to meet Mr. Deang for the partnership he is offering, and dinner with Ms. Claire at 7 pm." Sabi naman nito.


"Cancel Ms. Claire's. Thank you." Sabi ko lang at pinalabas na siya sa office ko.

This will be a long day. I guess.


At least, I have my distractions..


OptionWhere stories live. Discover now