Chapter 33: Miracle

Depuis le début
                                    

Puro hikbi lang niya ang maririnig sa kwarto at maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagyakap ni Zeb sa kanya.

"Z-zeb....h-help me please." aniya rito.

Nakapatong ang ulo niya sa dibdib nito at rinig na rinig niya ang pagbilis ng tibok ng puso nito sa mga sinabi niya.

I know you like me

Ani Charm sa isip niya.

"Tutulungan kita kapag magaling ka na talaga." litanya nito na nakapag patigil sa pag iyak niya.

Umalis siya sa pagkakayakap sa kanya ni Zeb saka umayos ng upo. Marami siyang katanungan na sana sagutin ng maayos ng binata.

"B-bakit ako nandito?" tanong niya.

Pinunasan ni Zeb ang mga luha sa pisngi niya saka ito tumingin sa mga mata niya.

"Natatandaan mo pa ba ang nangyaring aksidente? Target ni valene na patayin ka at gawing miserable ang buhay ni Dwight. She used me para magawa ang plano na yon." kwento nito.

"Nung nalaman ko ang plano niya pumunta agad ako sa pinangyarihan ng aksidente at kinuha kita palayo sa kanila. Nalaman din ni Valene na nasakin ka kaya sumugod siya sa dati naming hideout kahapon para patayin ka pero napigilan ko siya. Sabi ko ilalaglag ko ang mga sikreto niya kapag ginawa niya yon, kahit na madawit pa ako sa gulo." bahagyang tumigil ito sa pag kwento at sinulyapan ang mukha ni Charm.

Bakas niya ang takot sa mukha nito.

"Napigilan ko nga siya pero nagbanta na naman ulit siya. Huwag daw kitang palalapitin kay Dwight kung hindi tutuluyan ka raw niyang patayin..." natigil ulit sa pagkukwento si Zeb at hinawakan ang mga kamay ni Charm.

Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa at doon ay muli na namang umagos ang luha ni Charm.

"Ayokong mangyari sayo ang plano niya Charm. Kaya dinala kita dito sa secret hide out ko. Dito ka muna hanggang sa lumakas ka at tutulungan kitang bumalik ulit sa kanila. Pero dapat bago mangyari yon ay malaman nila na si Valene ang kalaban nila. Hindi ko pwedeng ilaglag basta si Valene dahil sa usapan namin ng daddy niya." anito.

"Sila kuya? Ayos lang ba sila?" tanong ni Charm.

"Ayos lang sila nasa mabuti silang kalagayan." pagsisinungaling nito kahit na alam niya ang totoong kalagayan ng mga ito.

Hindi siya nawawalan ng balita sa mga nangyayari dahil kay J12, ang pinaka loyal sa kanyang tauhan ni Dwight.

Inihahanda na rin niya ang sarili dahil alam niyang di magtatagal ay malalaman at malalaman ito ni Dwight.

Sabay silang napatingin sa pinto ng may biglang kumatok doon.

Sinenyasan ni Zeb si Charm na siya na ang pupunta para pag buksan kung sino man ang tao doon.

Nang mabuksan ni Zeb ang pinto ay kaagad na pumasok mula roon si Damon na matagal tagal ding nawala dahil inasikaso ang business nila sa United Kingdom.

"DAMOOON!" sigaw ni Charm ng makita si Damon.

Kahit papaano ay may mapagkakatiwalaan siya sa lugar na to dahil alam niyang totoo sa kanya si Damon.

Kaagad niyakap ni Damon si Charm ng makita niya ito ginantihan naman siya ng yakap ni Charm.

Labis ang pag aalala niya ng mabalitaan ang nangyari kay Charm. Kaya dali-dali rin siyang umuwi sa pinas ng mabalitaan na nasa pangangalaga ito ni Zeb.

"Ehem!" isang tikhim ni Zeb ang nakapag pahiwalay sa yakap ng dalawang magkaibigan.

Nakaramdam kaagad ng selos si Zeb ng makita ang reaksyon ni Charm ng makita nito si Damon.

Stanford University [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant