Chapter 14: 7 vs Female Dogs

1.7K 49 0
                                    







NASA SSC Office ang buong grupo ng Luminaries maliban kay Kierre, hindi pa nag uumpisa ang kanilang 2nd day of exam dahil hindi pa tumutunog ang bell sa buong campus.

Busy at may kanya-kanyang ginagawa ang bawat isa sa kanilang pwesto maliban kay Zinc na tulog sa couch gamit ang pillow neck na bigay sa kanya ng kanyang fan.

"Hays! Who deleted it." singhal ni Zacc na sa laptop lang nakatutok.

"Ano ba yang ipinuputok ng butse mo jan Zacc?" anang naistorbong sa pagrereview na si Shawn.

"About that fake rumor." sagot ni Zacc.

"Pinadelete na ni Dwight yung fake news na yon!" sabi naman ng nagbabasang si Chasten.

Biglang napatingin si Zacc kay Dwight at mababakas ang kaba sa ekspresyon ng mukha nito ngunit parang walang naririnig si Dwight at malalim ang iniisip nito dahil nakatulala lang ito habang nakasandal sa swivel chair niya.

Iniisip nito ang nakita niyang tagpo kahapon nung nag checheck sila ng facilities. Nagpasya silang mag hiwa hiwalay dahil para mapabilis ang kanilang ginagawa. Napag desisyonan niyang siya na ang magccheck ng Gold Building ng makita niya ang tagpo nila Charm at Zeb.

Napapaisip siya kung papaano naging malapit sa isa't-isa si Charm at Zeb dahil hindi si Zeb ang tipo ng lalaki na nakikipag usap sa babae.

Nabalik lang sa kanyang sarili si Dwight ng dumating si Kierre sa SSC Office bitbit pa nito ang kanyang bag at libro.

"GoodMorning. Sorry i'm late." naka ngiting bati nito sa lahat.

"GoodMorning." ganting bati sa kanya ni Jiro.

"Oh! I forgot. I think may bisita si Head Master Kang." sabi ni Kierre saka naupo sa swivel chair niya at binuksan ang kanyang libro.

"Who is it?" maikling tanong ni Dwight.

"I don't know..they're look like a law--"

"Lawyer?" putol ni Dwight sa sasabihin ni Kierre.

Tumango lang si Kierre bilang sagot kay Dwight.

"Oh! Do you know them dwight?" tanong ni Chasten dito.

"Yeah! They're the parents of Sydney Clemente. Her mom is a lawyer while her dad is a prosecutor." ani Dwight sa mga ito.

Samantala dahil sa narinig ay napatingin sa kanya ang lahat. Lalo na si Zacc na biglang namutla sa sinabi ni Dwight.

"H-how did you know them?" tanong sa kanya ni Jiro.

"They're the one who investigate my mom and dad's case." sagot ni Dwight kay Jiro.

"Kaya pala pinabura mo yung rumor na kumakalat sa SDN kasi kilala mo ang magulang ni Sydney." ani Shawn na naintindihan ang ginawa ni Dwight kahapon.

"Yeah! It's not only for Zacc it's also for Sydney." paliwanag pa ni Dwight.

Natahimik ang lahat ng tumunog ang speaker sa ceiling ng SSC Office sa tingin nila ay tawag yon mula sa Office ng nakakataas na si Head Master Kang.

"Mr. Lewis please go to my office."

Anang may katandaan ng boses at maya maya lang ay nakarinig na sila ng pag patay ng mic.

Napabuntong hiningang tumayo si Zacc mula sa swivel chair niya at saka naglakad palabas ng SSC Office.

Kasabay ng paglabas ni Zacc ang pagkatok ng isang estudyante sa SSC Office.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now