Chapter 3: They're back

2.2K 57 0
                                    

MAAGA palang ay nasa school na ang karamihan sa mga estudyante ng Stanford. Maya't maya ang datingan ng mga magagarbong sasakyan at kaagad na umaalis din. Mas marami ang pumasok ngayon kaysa kahapon at karamihan sa pumasok ngayon ay ang mga sikat sa Stanford. Isa na rito si Valeen Morrison ang may pinaka maraming admirer sa Stanford.

Maya't maya ang sigawan ng mga babaeng nag aabang sa main gate ng Stanford dahil nag dadatingan na ang mga sikat nilang schoolmate may mga media rin dito para kunan ang mga famous students na naglalakad sa red carpet, ang mga media na ito ang nag lalagay ng bagong pag uusapan sa website ng Stanford. Karamihan ng estudyante ay nasa lugar na ito para abangan ang kanilang mga hinahangaan. Ngunit mas marami sa kanila ang nag aabang sa pag dating ng Luminaries at Madblack.




















SAMANTALA hindi na kumain ng breakfast si Charm at pinalagay na lang niya ito sa lunch box para baunin. Hindi na rin niya nadatnan ang kuya niya sa bahay pero nabasa nito ang note na nakadikit sa pinto niya.

' I need to go to school. Don't be late. Use the back gate of Stanford. '

Sinunod din niya ang sinabi sa kanya ni Bella na sa back gate ng Stanford sila dadaan at mag kikita para maka iwas sa siksikan. Dahil kakaunti palang ang nakakaalam na pwede itong daanan, dahil ang alam ng karamihan ay pinasara ito dahil dito dumadaan ang mga estudyanteng nag ka cutting.

Nagpaalam na si Charm kay aling Violy, nagmamadali siya dahil baka malate siya sa klase at madamay pa si Bella dahil mag aantayan sila.

Magpapahatid sana siya sa driver nila ng makita niya ang regalo sa kanya ng kanyang abeoji. Isang kulay nude pink na bike na may basket sa unahan. Napangiti si Charm at naisip niya na ito na lang ang kanyang gagamitin papunta sa school.
















MULING nabuhayan ng loob sila Chasten,Jiro,Kierre,Zacc at Shawn dahil sa wakas ay kasama na nila si Dwight ngayon. Nasa loob na sila ng kanilang sasakyan papunta sa kanilang school. Nalaman nilang lahat kung anong nangyari kay Dwight nung mga panahong umalis ito sa Stanford at sa South Korea ito tumira. Inaakusahan si Dwight na siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang babaeng estudyante sa Stanford kaya ito pinaalis sa Stanford at dawit sa kasong yon si Zeb. Malaking palaisipan sa kanila kung papaano nangyari yon. At kung papaanong napag bintangan si Dwight. Malakas ang kutob nilang si Zeb ang may pakana nito para tuluyang mawalan ng posisyon si Dwight sa paaralan ngunit bigo pa rin ito.

Kilala nila si Zeb na di ito titigil hangga't di nito napapabagsak si Dwight sa pagiging Superior nito. Kaya naman binalaan sila ni Dwight na mag ingat sa bawat pag kilos at maging alisto sa lahat.

Tahimik ang lahat sa pag byahe nila at malapit na rin sila sa Stanford ng biglang magsalita si Zacc "Sigurado ba kayo na tamang si Shawn ang pag drive-in natin?" medyo kabadong tanong ni Zacc sa lahat.

"HOOYYY ZACC I CAN HEAR YOU!" sigaw naman ni Shawn na nasa driver seat. "Mag ingat ka shawn sayo nakasalalay buhay namen" ani Jiro habang nakatuon sa binabasa nito. Si Kierre naman ay busy sa pakikinig ng music naka earphone at nag ge-games lang, si Chasten at Zacc naman ay naglalaro ng mobile legends habang si Dwight ay nakasandal ang ulo at naka pikit lang.

"GUYSS MADAMING MEDIA AT TAO SA MAIN GATE!" sigaw ni Shawn na nasa driver seat "Backgate!" tipid na sabi ni Dwight at pinaharurot agad ni Shawn ang sasakyan.

Tahimik ang lahat at halos malapit na sila sa backgate ng biglang tumigil ang kanilang sasakyan.





MALAPIT na sa back gate si Charm ng muntikan na siyang mahagingan ng isang magarang luxury bus sa itsura palang nito ay mukha na itong mamahalin ngunit muntik na siyang masaktan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng bus.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now