Chapter 4: Hot war of Bitches

2K 59 0
                                    


NASA classroom si Bella at iba pa niyang kaklase. Hindi niya maiwasang hindi mag alala sa kung anong parusa ba ang ipapataw kay Charm. Kaya naman naisip niya na manood nalang ng bagong music video ni ZK para malibang siya kahit papaano.

Malapit ng matapos ang pinapanood niya ng biglang tumunog ang speaker sa room nila.

"Calling the attention of Ms. Gonzalez ...please come along to the school clinic!" sabi ng isang gwapong boses na dalawang beses inulit ang kanyang sinabi. Halata rin sa boses na ito ang pag aalala.

Nakaramdam ng kaba si Bella kaya nanakbo agad siya papunta sa clinic. Napaisip din siya na kakaiba ang tono ng pananalita ng boses na sa tingin niya ay boses ito ng President nila.

Halos madapa na siya sa pagtakbo ng sa wakas ay natanaw na niya ang clinic.



Binuksan niya kaagad ang pinto ng hindi manlang kumakatok at bumungad sa kanya si Charm na walang malay na nakahiga sa isang hospital bed at sa gilid nito ay ang nagbabantay na si Kierre.

"C-charm? What happened pres?!" Nag aalalang tanong niya kay Kierre.

"Finally you're here!" sabi ni Kierre ng makitang dumating na si Bella. "She came in SSC office then bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Tapos bigla siyang hinimatay, ikaw lang yung nakikita kong kasama niya kaya ikaw yung tinawag ko." may halong pag aalalang kwento ni Kierre.

Nilapitan ni Bella si Charm at chineck ang bawat parte ng katawan nito kung may sugat ba to.

"Hey! I don't do anything stupid to her." Puna ni Kierre kay Bella.

"Actually Prez hindi lang ako ang kakilala ni Charm sa school. May kuya siya na nag aaral din dito." sabi ni Bella at inayos ang kumot ni Charm.

"Tell me his name and section!" ani Kierre at handa na itong i-announce ulit nang umiling iling si Bella.

"Not now prez. Malalaman mo rin kung sino siya soon." nakangiting sabi ni Bella.

"Fine! I need to go. Please tell her to get well, okay?" pagpapaalam ni Kierre, palabas na sana ito ng may maalala ito "Wait, bella...tell me may sakit ba si charm?" seryosong tanong ni Kierre.

Natigil bigla si Bella dahil hindi niya alam ang dapat na isagot sa tanong ni Kierre.

"A-ahh...yes, pero hindi naman malala at hindi nakakahawa hehe" tumango nalang si Kierre sa sinabi ni Bella at saka lumabas na ng clinic.













 








CLASS HOUR na at wala ng makikitang estudyanteng pa-gala gala sa buong Stanford University. Regular na naglilibot libot dito si Dwight kasama si Jiro, Chasten at Shawn na higher year level.

Bigla rin umiingay ang ibang classroom na madaraanan nila kapag nakikita nila ang member ng Luminaries pero tumatahimik din agad pag nakikita nila si Dwight.

Lahat ng estudyante ay mas pinipiling sundin ang rules ng Stanford dahil ayaw nilang matatakan ng red mark at lalong lalo na ang black mark.

Mas pinipili rin nilang manatili sa classroom nila pag class hour dahil bukod sa Luminaries ay takot din silang makabangga ang MBG o kilala bilang MadBlack Gang dahil nambubugbog ang mga ito kapag trip nila at makikita lang din ang mga ito kapag class hour.

Nasa kalagitnaan ng pag lilibot sila Dwight ng makita ni Shawn si Kierre.

"Kierre!" tawag nito at lumapit naman si Kierre sa kanila.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now