Chapter 5: Charm's Lucky day

1.9K 46 0
                                    

  


MAAGA palang ay nag aantay na sa main gate ng Stanford si Zaney. Friday ngayon at alam niya na hindi gamit ng Luminaries ang Luxury Bus nila. Gamit ng mga ito ang kani-kanilang mga sasakyan.

Naka-upo siya sa isa sa mga bench na malapit kung saan nagpapark ng kanilang sasakyan ang luminaries. Tiningnan niya kung nandon na ba ang sasakyan ni Chasten ngunit wala pa ito doon. Ang nandoon palang ay ang Gold Ascari car ni Dwight, Yellow ascari car ni Shawn, Silver ascari car ni Kierre, Red ascari car ni Zacc at ang rose gold na ascari car ni Jiro.

Maya maya lang ay napatingin siya sa paparating na white ascari car. Sa tingin niya ay ito na ang sasakyan ni Chasten.

Tumayo na siya at inantay na makapag park ng maayos ang sasakyan nito. Kinuha niya ang handkerchief ni Chasten sa kanyang bag para isauli. Napangiti siya ng makita niyang bumaba ng kotse si Chasten. Tatawagin sana niya ito ng makita niya na umikot si Chasten papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto.

Ang kaninang ngiti ni Zaney ay napalitan ng masamang tingin ng makita niya na bumaba si Charm mula passenger seat ng sasakyan ni Chasten.

Napaatras siya at napatago sa isang puno ng makita niya na sabay na naglalakad sina Chasten at Charm. Masayang nag kukwentuhan ang dalawa at nagtatawanan pa.

Napahawak ng mahigpit si Zaney sa handkerchief ni Chasten ng makita niya na tumigil ang dalawa at biglang hinalikan ni Charm sa pisngi si Chasten, ginulo naman ni Chasten ang buhok ni Charm at nag wave pa si Charm kay Chasten saka nanakbo papunta sa kanilang classroom.

Nagtungo naman si Chasten papunta sa SSC Office.

'You're getting in to my nerve Charm!'
aniya sa kanyang isipan at ibinalik sa kanyang bag ang handkerchief ni Chasten .












"WHERE is she?" maarteng tanong ni Tyree sa nagbabasang si Nazia.

Nasa classroom na sila at wala pa rin si Zaney nagtataka si Tyree dahil malapit ng mag bell ay wala pa rin ang kanilang leader.

"Try mo kayang tawagan diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Nazia at saka muling nagbasa.

Napairap nalang si Tyree kay Nazia at saka tiningnan ang nail art niya.
  

Naagaw ng atensyon ni Tyree ang kakapasok lang sa kanilang classroom na si Charm. Sinalubong ito ni Bella at saka sabay na naglakad papunta sa kanilang upuan.

"Hey! Naz, have you heard the rumors about that girl?" turo nito kay Charm pero di siya pinansin ni Nazia.

"Ugh! This bitch!" reklamo nito kay Nazia saka muling inirapan. "I can't believe that Pres is dating her." anito at saka humalumbaba sa kanyang desk.

Bigla naman napatigil sa kanyang pagbabasa si Nazia matapos marinig ang salitang Pres.

"Who is it?" tarantang tanong niya kay Tyree.

"That girl with bellatrix!" turo ni Tyree at saka muling chineck ang kanyang nail art.

"Pano mo naman nalaman na nagdedate sila ni Kierre?" usisang tanong ni Nazia.

"How did you call him like that? You're rude!" maarteng pagkakasabi ni Tyree kay Nazia.

"Sagutin mo nalang kasi ako!" ani Nazia.

"Fine! Someone saw that Prez is carrying her like a bride when they go to clinic. Then... Other students saw that prez is holding her hands when they go to SSC Office." Kwento ni Tyree.

Stanford University [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang