Chapter 17: Pool

1.6K 46 0
                                    
















"SAAN ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Charm habang sinusundan sa paglalakad si Dwight.

Ilang segundong katahimikan ay hindi pa rin sumasagot si Dwight sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" pag ulit na tanong niya.

Imbis na sumagot si Dwight ay mas binilisan pa nito ang paglalakad niya kaya naman parang napapatakbo na si Charm para lang mahabol sa paglalakad si Dwight dahil sa laki ng mga hakbang nito.

"Hoy! pansinin mo naman ako!" anito saka kinulbit niya ito sa balikat.

"Aish!" singhal ni Dwight kay Charm dahil nakukulitan na ito sa kanya.

"Halimaw tinatanong kita." inis na sabi ni Charm dito saka tumigil sa paglalakad.

Naramdaman naman ni Dwight ang pag tigil ni Charm kaya naman napatigil din siya sa paglalakad at nakapamulsang humarap kay Charm.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa at mga ilang segundo lang ay napaiwas din kaagad ng tingin si Charm at napahawak sa kanyang dibdib.

"Why?" tanong ni Dwight sa kanya dahil sa reaksyon ni Charm.

Hindi naman maipaliwanag ni Charm kung ano ba ang naramdaman niyang kuryente na dumaloy sa katawan niya matapos magtama ang mga mata nila ni Dwight.

Bago para sa kanya ang pakiramdam na yon. Nagtataka siya dahil hindi naman niya naramdaman yon nung mga panahong nakikipagmatigasan siya ng tingin kay Dwight.

"Dimwit! I said why?" ulit na tanong ni Dwight.

Umiling lang si Charm dito bilang sagot at naglakad palapit kay Dwight ngunit hindi niya ito magawang tingnan.

"Aish! Stupid." anito at pinagpatuloy ang paglalakad.

Tahimik na sumunod lang sa kanya si Charm.

Nakayukong naglalakad si Charm habang si Dwight naman ay kalmadong naglalakad.

Papunta sila sa pool area ngayon ng Stanford, para i-check ang facilities doon kung maayos ba. Dahil kinabukasan ay doon gaganapin ang kanilang p.e. class.

Napatigil sa paglalakad ang dalawa ng biglang may tumamang bola ng basketball sa ulo ni Dwight at nanggaling ito sa entrance ng silver building.

Halata ni Charm ang pagkainis ni Dwight dahil kitang kita ito sa ekspresyon ng mukha nito.

"Omo!"

Gulat na ekspresyon ni Charm at napatakip pa ito ng kanyang bibig.

Lumabas kasi mula sa entrance ng silver building ang buong grupo ng madblack gang na pinangungunahan ng leader nilang si Zeb.

"D-dwight tara na. Di ba nagmamadali ka? Tara na."

Sabi ni Charm saka hinawakan sa braso si Dwight at saka hinila paalis sana sa lugar na yon at para na rin maiwasan ang gulo.

Pero kahit na anong pag hila ang gawin niya ay hindi pa rin niya kayang paalisin sa kinatatayuan nito si Dwight.

"Tara na sabi." pagpilit pa rin ni Charm sa kanya.

Nahuli ng mga mata ni Charm ang pag yukom ng kamao ni Dwight pati na rin ang pag lunok nito.

Mataman lang na nakatingin si Dwight sa papalapit sa kanilang grupo ng Madblack gang. Naagaw rin ng pansin ni Charm ang hawak hawak ni Brandon na baseball bat.

Paulit ulit nitong pinapalo ng mahina sa palad niya ang baseball bat habang maangas na nakatingin kay Dwight.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Dwight ang hawak ni Jb na dalawang bola ng baseball na kaagad na itinago nito sa kanyang likuran ng mapansin nitong nakatingin dito si Dwight.

Stanford University [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara