Chapter 28: Tournament D3

1.4K 42 0
                                    















 

"CONGRATS Valene."

"Ang galing mo talaga."

"Queen of silver building."
 
"Bagay nga siya kay Superior."

"Ang ganda niya talaga."

"Congratulations valene you're the best."
 
Ilan sa papuri ng mga estudyante ng mabalitaan nila ang pagka-panalo ni Valene na nagre-representa sa silver building.

"Si valene ba yung pinagkakaguluhan nila doon?" tanong ni Sydney at itinuro ang mga nagkakagulong tao di kalayuan sa kanila.

"Sa tingin ko." walang ganang sagot naman ni Bella.

Naka-upo ang tatlo sa bench na may table malapit sa silver building. Sa ika'tlong araw ng tournament sa wakas ay nakapasok na rin si Charm.

Bumili ang tatlo ng sari-saring pag-kain na tinda ng karamihan sa mga booth at doon nila napiling kumain sa pwesto nila ngayon.

Tahimik lang si Charm at walang paki-alam, kain lang ito ng kain dahil nagbabawi siya ng lakas sa nakalipas na dalawang araw. Pili lang ang ipinapakain sa kanya ni Chasten at yun ay puro gulay.

"Hoy twin, dahan dahan baka mabulunan ka nyan." suway ni Bella ng makita nitong namumualam si Charm sa kinakain nitong burger.

"Ito oh! Inumin mo Charm." iniabot naman ni Sydney ang binuksan niyang lemon drink.

Kinuha naman yon ni Charm at saka ininom.

"Shalamat!" anito sa dalawa.

Nagkatinginan lang sila Sydney at Bella saka sabay na napa-iling.

Sa panonood palang nila sa pagkain ni Charm, pakiramdam nila ay mabubusog na rin sila dahil sa katakawan nito.

"Ano kayang ganap ngayon? Balita ko ngayon daw ang anniversary ng Stanford." nakahalumbabang tanong ni Sydney saka sumimsim sa hawak niyang strawberry juice in can.

"Di ko nga alam eh. Hindi pa rin napasok si Dwight hanggang ngayon." sabi naman ni Bella na kumakain ng nachos.

"Teka...di ba doon ka na-confine sa hospital nila dwight, charm? Hindi ba kayo nagkita?" usisang tanong ni Sydney.

Nasamid naman si Charm sa tanong ni Sydney kaya mabilis niyang kinuha ang lemon juice niya saka ininom ito agad.

"Tss. Takaw kasi." medyo sura na pagkakasabi ni Bella.

"Ay impakta!"
 
Gulat na sabi ni Bella ng biglang may tumamang bola sa table nila, dahil doon ay natapon ang karamihan sa pag-kain na binili nila.

Hinanap niya ang pinanggalingan noon at nahagip kaagad ng mata niya ang nasa harap di kalayuan sa table nila ang nakatayong si Valene kasama ang isang alipores nito.

"Naghahanap yata ng gu-- teka charm saan ka pupunta?" mabilis na napa-tayo ang dalawang si Sydney at Bella ng makita nila na susugod si Charm kay Valene, bit-bit ang bola na tumama sa table nila.

"Bastos ka 'ba?" galit na tanong ni Charm dito.

Imbis na sumagot ay humalakhak lang si Valene pati na rin ang kasama nitong si Valentine.

"Ganyan ka ba talaga kumain charm? Ugh. Disgusting." anito kay Charm.

Napalunok naman si Charm at napa-punas sa mukha niya, may mayonaise pa pala siya sa gilid ng labi niya.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now