Chapter 33: Miracle

1.2K 35 1
                                    




















NAGISING si Charm sa isang ospital na may benda ang noo kaagad siyang bumangon at napansin ang batang nasa tabi ng hospital bed niya.

"Chine-chine!" umiiyak na tawag nito sa kanya.

Bumaba siya ng kama para yapusin ang batang lalaki.

Lalong tumindi ang pag iyak ng batang lalaki nung maramdaman niya ang mga yakap ni Charm.

Pakiramdam niya ay sa saglit na panahon na mag kasama sila ni Chine chine ay nahulog na ang loob niya rito.

"Chine-- w-wala na s-sila mommy." anang batang lalaki.

Parang tumigil ang mundo ni charm ng marinig ang sinabi ng batang lalaki.

Hindi niya alam kung bakit umalis siya patakbo sa hospital na yon. Ang tanging gusto lang niyang makita ay ang kanyang kuya.

Nanakbo palabas ng hospital si Charm napatigil siya kaagad ng may bumanggang van sa kanya.

Bago ito malawan ng malay ay kita niya ang umiiyak na mukha ng batang lalaki.

"D-dwight!" pagbigkas niya sa pangalan nito.

"CHAAAAAAARM!"

Biglang nagising si Charm sa mahabang panaginip niya. Napahawak siya sa kanyang ulo na may benda.

Pakiramdam niya ay totoo ang panaginip na yon. Saglit siyang napatigil at napaisip sa mga nangyari. Pakiramdam niya ay matagal siyang natulog.

Ako si chine-chine?

Tanong nito sa kanyang sarili.

Naupo siya sa headboard ng kama nang biglang may pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Z-zeb?" gulat at hindi makapaniwala si Zeb na nagising na si Charm mula sa pagkaka-comatose nito.

"Charm! I'm glad you're awake." anito saka ini-lock ang pinto ng kwarto ni Charm.

"A-anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? Nasaan sila kuya? Nasaan sila Bella? Si Dwight? Nakaligtas din ba siya?" sunod sunod na tanong nito.

Bumaba siya ng kama para lumabas nang hawakan ni Zeb ang bewang niya para pigilan siya.

"Kailangan ko silang makita." ani Charm.

"Charm makinig ka muna sakin." nakikiusap na sabi ni Zeb sa kanya.

Kumalma si Charm saka tumingin kay Zeb at nag iintay ng sasabihin nito.

"Hindi ka pwedeng makita ni Valene. Okay? Dahil papatayin ka niya oras na makita ka niya. Hindi mo na rin pwedeng lapitan si Dwight dahil kapag nakita ni Valene na magkasama kayo parehong manganganib na naman ang buhay niyo. Please...charm" may halong pagmamakaawa sa boses nito.

"Kung mahal mo talaga si Dwight pakawalan mo siya. Sakin ka sumama para hindi manganib ang buhay niya." anito.

Nakaramdam ng pagkirot sa kanyang dibdib si Charm dahil sa sinabi ni Zeb.

Ayaw niyang mapahamak ito pero ayaw naman niyang malayo rito. Mahal na mahal niya si Dwight at mas lumalim pa yon ng magbalik ang ala-ala niya.

Napalunok siya ng maramdaman ang mga palad ni Zeb sa pisngi niya.

Dahan-dahan siyang iniupo nito sa kama niya saka iniayos ang buhok niya.

Hindi mapigilan ni Charm ang mapaiyak. Nakakaramdam pa rin siya ng panghihina sa katawan niya.

Stanford University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon