Chapter 12 Date and Time

Start from the beginning
                                    

  
---

Elyrah Pov's

  Napahawak naman ako sa noo ko at hinilot hilot. Kahit ako na didisappoint din sa nakuha ko sa lahat nang mababa Math pa talaga 16 over 50 wala akong magagawa nakatulog kasi ako kaya naipasa nang walang sagot ang iba.

"What happen? Favorite mo ang Math di'ba" si Tito Alen napatangu naman ako.

"Dean, kasi po nakatulog talaga ako n'yan eh sorry po talaga"

"Mag take ka ulit bukas nang exam sige na paano ka pa makakapag shift niyan sa H.U may bagsak kang exam aayusin natin 'to don't worry hindi makakarating sa mommy mo" laki talaga nang pasasalamat ko kay tito Alen ang bait bait talaga niya unlike mommy monster minsan.

"Sige po dean maraming salamat" ngumiti ito at tumango sa akin lumabas naman na ako 'yung mga kaibigan ko naman nauna na sa LEVIER kaya nagmadali na akong lumabas.

Kumaway naman 'yung dalawa sa akin nung papalapit na ako nahagip naman nang mata ko sina Sharina na kumakain hindi ko na lang pinansin at umupo na sa tabi ni Maxine.

"Anong sabi ni Tito Alen?" tanong ni max.

"Mag take daw ulit ako nang exam tommorow" sagot ko naman

"Yan kasi patulog tulog kainis sinabi naman na sa 'yo di ba ipagpasintabi mo na muna ang antok mo" sermon ni jade sa akin.

"Nagugutom na ako mamaya na ang sermon"ako naiiling na lang silang tinawag 'yung waiter at nag order na kami.

" Ely may nadisgrasya si Jade kahapon"napatingin naman ako kay jade na nakakunot noo?

"Patay ba? Puntahan na 'tin at ito ipakulong na" ako

"Sira okey naman daw buhay naman natamaan lang nang bato sa noo at sabi pa nitong isa---"

"School patrol" muntik naman na akong mabulunan buti may juice.

"Ano i-salvage na natin? Jade mag kakaroon na kaagad tayo nang record don"pinanlakihan naman niya ako nang mata.

"Ikaw kaya I-salvage ko Elyrah wala ka talagang maisip na matino gising ka na ba baka tulog ka pa" napakamut naman ako.

"Sorry naman gusto ko lang kasing makatulog" nakanguso kung usal.

"Tulong ba 'yun ikaw talaga iniisip mo na naman si Synder, eh" napasimangut naman ako.

"Duhh! Synder is not my type okey he's just my big bro"sagot ko naman.

"Buti naman" napatunghay naman ako at nagkaroon nang katahimikan.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.

"H-huh ano kasi?"lumikot naman ang mga mata niya.

"Ano?"tahimik lang sina Max at Jade.

"Gusto ko lang iconfirm kung talagang pumayag na kayo"

"Ay yun ba oo payag na kami kasi 'di namin alam ang exact date and time"

"Kilan ba ang sembreak n'yo?"si Jem

"Hmm! This friday start na nang sembreak namin" usal ni jade.

"Tamang tama friday din sa amin" ani Jem.

"So? What date?and Time?" Tanong naman ni Jade.

"Sunday, 7:30 sunduin na lang namin kayo sa bahay ni Elyrah mas maganda kung iisang sasakyan na lang ang gamitin pa punta sa airfort" suhensyon ni haidee ang formal niyang nakipagusap sa amin ngayon.

"Alam ko na! Hmm I need to go may hahabulin pa ako" si Jade saka tayo at umalis nang upuan napabuntong hininga na lang ako.

"Naku ikaw ang nakatoka" bulong ni maxine.

"Mauna na rin ako" paalam ni Sharina.

"Pasabay na" si Maxine napa ha naman si sharina napakamut naman si Jem.

"Uwe na din ako may gagawin pa rin ako ikaw ba haidee?" Tumingin ako kay haidee.

"Mamaya na ako sasamahan ko lang siya" tumango naman ito saka umalis na kasama 'yung dalawa ako naman ipinagpatuloy ko ang pagkain ko wala akong pake kung manuod pa siya basta ako kakain 'di naman ako maarte.

"Bakit nalate ka nga pala?"tanong naman nito.

"Kinausap ko pa si tito Alen " sagot ko

"About saan?" tanong nya pa

"Grades ko bumagsak kasi ako sa Math kasi nakatulog ako nakakapagod kasi mag isip kaya 'yun natulog ako ang hirap eh" paliwanag ko nakita ko naman na natawa siya.

"Bakit ka tumatawa?"ngumiti naman siya sa akin.

"Ang cute mo pala" napaubo ako bigla at uminit ang mukha ko. "nakakain ka ba nang sili?"tanong niya pa.

" hindi h'wag ka ngang timang"napakunot noo naman siya.

"Timang?"naalala ko hindi nga pala siya madalas napunta sa mga baryo.

" Salitang kalsada lang wag mo nang intindihin"ako saka tinawag 'yung waiter.

      Naandito kami sa isang Toy store malapit sa Levier inakit ko lang siya para gumala na rin may kinuha naman akong stitch at isang panda saka binayaran pinagbukod ko na rin ng lagayan. "Pakibigay kay Gail at ito namang stitch sa'yo na ingatan mo 'yan"ako

"I don't need this" siya

"Ayaw mo ako na lang magtatabi at akma ko nang kukunin pero inilayo niya"

"Baby ko na 'to ba't mo pa kukunin?" Tanong niya sa akin may kinuha naman akong keychain na dalawa at bumalik sa counter saka binayaran.

"Tumalikod ka" ako

"Bakit?"

"Basta" ngumiti ako at saka siya pinatalikod inilagay ko sa bag niya 'yung keychain.

"Ayan bagay na h'wag mong aalisin 'yan"napasimangut naman siya.

"Ang hilig"reklamo niya pa.

"Akin na 'yung isa tulungan na kitang ilagay sa kotse mo mauwe ka na rin gabi na" ako

"Ihahatid na kitang bata ka" siya

"Hindi na nga ako bata"

"Basta bata ka pa"

"Epal"

"Meron ka ding keychain di'ba?" Tanong niya sa akin nang makalabas kami sa store tumango naman ako at itinaas.

"Here" ako

"Hold this and ikakabit ko sa bag mo" siya

"Ako na lang"siya

"No i insist"

"Okey" kinuha ko 'yung nasa paper bag at tumalikod.

    After niya akong inihatid umuwe na siya inanyayahan ko pa ngang pumasok nag tanggi siya next time na lang daw gabi na rin kasi si mamu naman tinutukso tukso pa ako si Mom tahimik lang naman sa isang tabi para tuloy nag kapalit na sila nang ugali or baka naman nag lilihi na napatawa na lang ako.

"Mamu,Mom may plano na nga po pala kami sa Sembreak"

"Good ano ba yan?"

"Sasama po kami kina sharina sa Palawan" napataas kilay naman si mom

"Si sharina ba't di mo nga pala iniimbitan yan dito?"

"Busy yun mommy pero hayaan mo isasama ko po siya dito akyat na po ako"

"Ely may nakakalimutan ka na" si mom nakita ko naman na tumawa si mamu hay naku kaya ba? Bumalik ako then i kiss her in cheek saka niyakap.

"Sorry mommy" ngumiti naman ito sa akin.

"Goodnight sweety/honey" sabay na sabi nila.




---

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now