Chapter 10: Collision [REVISED]

ابدأ من البداية
                                    

"Tanong ka nang tanong, sino ka ba!?" bulyaw ko sa kanya na ngayo'y nakaluhod na sa mabatong lupa. Tindig pa lang niya at galaw ay halata ko nang bihasa rin siya sa pakikipaglaban.

"Nuh-uh, who are you is the question here," pagsasapilitan niya na bakas na sa kanyang boses ang pagkairita. Ako rin, naiirita na sa hilatsa ng mukha niya. Ay, magkamukha nga pala kami. "Let me guess-- another one of the General's experiments?"

"General? Ano ba 'yang mga sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko. Ang dami-dami niyang tinatanong, hindi ko naman alam ang sagot. Ako nga dapat ang nagtatanong sa kanya eh.

"You can't fool me, only the General can make a clone of me," sabi niya na kinainis ko. Clone daw! Hindi naman ako nagpapatawa dito, sasabihin niyang clone? Engot pala siya eh. "Who are you!?"

"Tsk, oh, eto na. Magpapakilala na," pagsuko ko dahil nagsisimula na akong mainis. "Ako si Ean. Eh ikaw--"

"What the-" galit na bulalas niya. "Ok, that's it!"

Laking gulat ko na lang nang agaran siyang tumayo at sumugod sa akin. Hinanda ko na ang aking sarili sa aming salpukan. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya nang siya'y makalapit na nagagawa ko namang ilihis gamit ang aking mga braso. Mabilis at malakas ang bawat atakeng pinapakawalan niya. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo para makaatake pabalik.

Pumaikot siya at buong lakas na sumipa na nagawa ko namang ilagan sa aking pagyuko. Sa muli kong pagtayo ay kasabay ng sunod niyang atake. Ang kabilang hita niya ay handa nang tuhurin ang aking tagiliran. Maagap kong pinigilan iyon gamit ang pareho kong kamay. Bago pa man ako makagalaw muli ay hindi ko inaasahan ay nakaramdam na lang ako ng mabilis na sipa sa aking katawan dahilan para mapahakbang ako pabalik.

"Aray ha! Ano ba problema mo!? Sinagot ko na nga tanong mo diyan, may gana ka pang makipagbasag ulo?" inis na sigaw ko sa kanya sa gitna ng pagdaing ko. Nakapatong ang kamay ko sa aking tiyan na kakatanggap lang ng sipa.

"Shut up! You're obviously taunting me by mentioning that f**ked up name!" balik sigaw niya sa akin na nagpapanting ng tainga ko. Matatanggap ko ang kahit ano pang sipa o suntok na ibibigay niya sa akin, 'wag niya lang iinsultuhin ang pangalan ko.

"Ang kapal din pala talaga ng mukha mo eh 'no? Sino ka para pagsalitaan ng ganyan ang pangalan ko?" buong tapang na paghahamon ko sa kanya. Ramdam kong kusa nang nagtitiim ang bagang ko sa ngitngit ko, napapakuyom na rin ang pareho kong kamao.

"So what's the meaning of this? We have the same face, and now we share one name? Hilarious," sarkastikong sabi niya at muli na namang tumakbo papalapit sa akin. Sa pagkakataong 'to, hindi ko na siya pagbibigyan. Humanda siya sa akin.

Pinasalubong niya sa akin ang kanyang kamao na walang hirap ko namang natabig gamit ang aking braso. Muli siyang sumuntok gamit ang kabila niyang kamay na nagawa ko namang sanggahin. Sa pagsangga kong iyon ay sumabay ang pag-angat ko ng kabila kong braso upang sikuhin siya sa kanyang dibdib. Napaungol siya sa ginawa ko at napaatras, doo'y kinuha ko na ang tiyempo para sundan pa ang atake ko.

Buong lakas ko siyang sinuntok sa kanyang pisngi dahilan para mapatalikod siya sa akin, ngunit nagulat na lang ako nang inangat niya ang kanyang paa at sumipa patalikod tungo sa akin. Sinambot ko ang paa niya at hinila upang ibato siya sa aking likuran dahilan para tumalsik siya. Tulad ng aking inaasahan ay naging maganda ang pagbagsak niya sa lupa sa kanyang paggulong. Mukhang sanay na nga ang isang 'to makipaglaban.

Hindi naman maitatangging nakaganti ako sa kanya. Buti nga sa kanya, ang angas-angas eh magkamukha naman kami. Wala na siyang maipagmamayabang, pareho lang kaming gwapo dito. Sa pagkapanalo ko sa pagkakataong ito ay kusa akong napangiti sa nagawa ko. "Nag-uumpisa pa lang ako, so don't you easy easy me, understandation?"

Identicalحيث تعيش القصص. اكتشف الآن