Chapter 39.

529 33 3
                                    

Then.

Chapter 39.

"Para kang bata Richard. Alam mo ba yun?" Medyo galit na sabi ni Leo sa akin. "Ano ganun ganun na lang yun, dahil sa nag selos ka susuko kana, iiwasan mo na siya?" Dagdag niya pa.

Hindi ko siya pinansin, sa halip tinuon ko lang ang akin sarili sa pag lalaro ng games sa akin cellphone.

Halos isang linggo ko ng iniiwasan si Nico, hindi ko naman siya basta basta iniwasan, sa katunayan binigyan ko pa ng chance ang akin sarili pagkatapos nung nang yare sa kiosks nung nag lunch kami.

Sinabi ko sa sarili ko baka gawa lang ito ng matinding selos kaya ganun ang iniisip ko. Naging maayos kami ulit sa katunayan masaya kami nung lumabas kami kinabukasan. We had fun especially her. Dinala ko siya sa isang beach resort sa bandang norte.
Nag karuon kami ng bonding at mas lalo pang nakilala ang isa't isa.

Naging maayos kami, pero makatapos ang ilang araw, kinain na ako tuluyan ng akin selos. Dahil halos para wala kami sa harapan nilang dalawa ni Stephen nung nag lalandian silang dalawa. That time hindi ko maiwasan di maikumpara muli ang akin sarili kay Stephen, kung paano makitungo si Nico sa kanya at sa akin.

Hindi ko makalimutan ang mga naging reaksyon nila nung araw na iyon, biglang natigil ang harutan at tila ba bumalik sa mundo bigla sila Nico at Stephen, nang marahas akong tumayo sa amin Mesa.

"Mauna na ako." Walang emosyon kong sabi while looking at her. "Nakalimutan ko kailagan kong makipag kita sa group mate ko para sa group project namin sa Economy." Sabi ko.

Umiwas ako ng tingin kay Nico.
"Ngayon ba yun Richard?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi kami magka klase sa Economy class, pero iisa lang ang amin Professor.

Tumango lang ako sa kanya, ng hindi binabago ang emosyon.

"Shit. Kailagan ko pala kitain sa Jade." Natataranta niyang sabi. "Nakalimutan ko."

Paano panay landian niyo, kung kami nga nasa harap niyong dalawa ni Stephen nakalimutan mo mga kaklase mo pa kaya.

Sabi ko sa akin isip.

"Sabay n..."

"Mauna na ako. Bye!" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil agad akong nag paalam at umalis sa kiosks na hindi siya muling tinignan.

That day sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko na siya, na iititigil ko na ang panliligaw sa kanya at mananatiling kaibigan na lang siya. Kahit mahirap sa akin, kailagan kong tanggapin iyon.

Ganun din masasaktan din ako sa huli, mas maigi na yun masaktan na ako ngayon kapag bumitaw ako, isang sakitan na lang, binigyan ko naman ng pag kakataon ang sarili kong lumaban, pero hindi para sa akin ang laban na to.

"Ano ba Leo?!" Sigaw ko ng bigla niyang kunin ang akin cellphone, sa kalagitnaan ng pag iisip.

"Hindi ka naman nag lalaro eh!" Sigaw niya habang natatawa.

Muli siyang umupo sa akin harapan pag katapos niyang ibulsa ang akin cellphone.

"Isang linggo ka ng ganyan, kapag tinatanong ka nagbibingi bingihan ka. " Aniya. "You're avoiding the questions and your problem." Seryoso niyang sabi. "Masasagot ka ba ng mobile legend mo sa problema mo Kay Nico?" Sarkatisko niyang tanong.

Umayos ako ng upo. "I'm not avoiding the question and I don't have a problem either." Simple kong sagot. "I just don't want to talk about it kase di naman siya issue sa akin. Tumigil ako sa panliligaw sa kanya to give way to my are friend Stephen. We all know na gusto nila ang isa't isa at pakiramdam ko ako ang isang malaking pader na nakaharang sa gitna nila." Diretso kong sabi sa kanya.  "I didn't see that as a problem, infact masaya ako para sa kanilang dalawa." Dagdag ko pa.

Isang buntong hininga at pag iling ang ibinigay niya sa akin.

"Huwag kang mag padala sa nakikita mo sa kanila Richard, alam mo nung una pa lang na mag kaibigan at malapit na silang dalawa sa isa't isa." Aniya. "Nagpapadala ka sa selos mo tapos mag de-desisyon ka kagad na iwasan si Nico at wag na ituloy ang panliligaw mo dahil sa rason mong yan." Napailing siya. "Be man enough Richard, if you really like her or love her, ipag lalaban mo yang nararamdaman mo sa kanya." Aniya. "Lalo mo pang pag iigihan yan panliligaw mo." Habol niya pa.

"Paano ako lalaban kung alam mo nung una pa lang talo kana sa laban. Paano kung alam mo nung una pa lang hindi na ikaw ang gusto?" Seryoso kong tanong sa kanya. "Alam ko kung kailan ako lalaban at susuko. Sinukan ko Leo, I tried to hard pero hindi yun sapat para sa taong iba naman ang mahal, Hindi ko nga alam kung napapansin o nakikita niya ba yung mga ginagawa ko sa kanya dahil sa iba siya nakatingin." Ramdam ko ang pagkirot ng akin puso.

"Ewan ko sayo Richard." Sumusuko niyang sabi.

Nag patuloy ang araw ko at linggo kahit nakakasama at nakikita ko si Nico sa campus o sa kiosks. Hindi ko alam kung manhid lang ba ako o magaling lang ako umarte at itago ang akin totoong nararamdaman sa tuwing nakikita ko sila ni Stephen na mag kasama. Kapansin pansin ang panay sulyap niya sa akin tila ba may gustong sabihin pero nag dadalawang isip.

"Pwede ka bang makausap Richard." Bigla niyang sabi. Napatingin ako sa akin katabi ng bigla niya akong sikuin.

May nakakalokong ngiti sa mukha ni Leo ang sumalubong sa akin.

Inilis ko anh Mata sa kanya at tinignan si Nico na nag hihintay ng akin sagot. Inilipat ko ang tingin ko Kay Stephen na tumango sa akin para sabihin pumayag na ako.

"May gagawin kasi ako ngayon Nico?" Pag sisinungaling ko sa kanya.

Hindi pa kasi ako handa kausapin siya, kailagan ko ng time para sa akin sarili.

Nakita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata.

Kaya marahan akong pumikit at bumuntong hininga. "Kung gusto mo after class ko mamaya?" Halos murahin ko ang akin sarili.

Marupok ka rin talaga Richard!  Makita mo lang na malungkot siya bumibigay kana.

Ngumiti siya sa narinig. "Sige, text na lang kita pag katapos ng klase ko at kung saan tayo magkikita." Nag karuon ng buhay ang kanyang boses.

Narinig ko ang mahinang pag ngisi ng akin katabi. Hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ang ginawa. Abot abot ang tahip ng akin dibdib. Lalo na nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Habang ang akin utak panay ang isip kung tama ba ang pag payag ko na magusap kami o mali. Ready na ba ako o hindi pa?

Memories of Us.Where stories live. Discover now