Chapter 10.

640 38 2
                                    

Now.

Chapter 10.

Love is sacrifice. Maliit man o Malaking bagay ang pag sa-sakripsyo. May oras o panahon na kailagan mo talaga mag sakripisyo para sa mahal mo sa buhay. Bagay man ito o oras.

Sa nag daan mga araw, linggo at dalawang buwan, walang mintis ang pag lalaan ko ng oras sa akin asawa para masamahan siya sa kanyang appointment sa ospital para sa kanyang CT scan, to check her sub dural hematoma. Ganun din siya sa kanyang trabaho. Hindi kagad nakabalik si Nicomaine sa trabaho dahil sa kanyang kundisyon, I know it killing her, pero tiniis niya ito, para sa kanyang kundisyon at pag bilis ng kanyang pag galing.

Sa awa ng Dios lahat ng sakripisyo na amin ginawa ay nag bunga. Kusang nawala ang at na absorbed ng katawa ni Nicomaine ang namuong dugo sa ulo niya.

Sa nag daan pag subok sa'min relasyon lalo kaming pinatatag nito. Naging sandalan namin ang isa't isa. Bilib din ako sa akin asawa dahil, kahit may sakit siya masayahin pa rin siyang tao. Nicomaine is introvert noon pa lang mga college kami, kami lang ang mga naging kaibigan niya, mahilig din siyang mag isip ng mga negatibong bagay. Sa likod ng pagiging komedyante, masiyahin at pagiging mataray natatago ang isang kuting.

Sa dalawang buwan na pababalik balik namin sa ospital nakikita ko sa kanyang mga Mata ang pag sisikap niya na maging positibo ang mga examination sa kanya, she also trying to be brave hindi lang para sa akin kundi para sa kanyang sarili. Sa dalawang buwan na nakikita ko siyang ganun, matatag at matapang lalo akong nahulog sa kanya. Lalo ko siyang minahal.

"Sweetheart, ihahatid na kita sa opisina para di kana mag drive." Sabi ko sa akin asawa habang kumakain kami.

"Oo nga anak, hayaan mong magkasilbi naman tong asawa mo paminsan minsan." Biro ni Daddy sa akin.

Natawa ang akin asawa kay Daddy. "Kaya nga Dad, panay Kain lang ginagawa niyan kaya nanaba lalo." Panggagatong niya pa.

Masama ko silang tinitigan na dalawa.

Two weeks na si Daddy na namamalagi sa bahay, he stay here for awhile because of Nicomaine conditions, mas maigi daw na may kasama ang kanyang manugang habang nasa trabaho ako.

"Anong panay Kain lang, ako kaya ang nag lilinis ng bahay at nag luluto." Depensa ko. "Staka parehas lang tayong matataba na tatlo no." Turo ko sa kanilang dalawa. "Tignan niyo nga mga pisngi niyo." Dagdag ko pa.

Nag tinginan silang dalawa at nagkibit balikat, tila ba hindi naniniwala sa akin sinabi.

Napailing na lang ako.
"Oo nga pala, susunduin ba kayo ng driver niyo mamaya o gusto niyo I hatid ko na rin kayo?" Tanong ko sa kanya bago ako humigop ng kape.

Sinulyapan niya ako bago ibinalik ang tingin sa pagkain na nasa kanyang harapan. "Susunduin ako ni Ruben, tumawag na siya kanina, on the way na siya dito." Aniya.

Hindi na ako kumibo pa at pinag patuloy ang pagkain.

"Are you okay sweetheart?" Napatingin ako sa akin asawa na bigla na lang naibaksak ang kanyang kutsara sa lamesa.

Daddy hold her hand. "Nak, are you okay?" May halong pag aalala na tanong ni Daddy.

"Huh?" Gulat niyang tanong kay Daddy.

"Okay ka lang ba ija? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni Daddy.

Agad akong lumapit sa akin asawa, I pulled the Nara chair besides her, staka mabilis na umupo dito. "May masakit ba ulo mo sweetheart?" Tanong ko sa kanya.

She look at me and shook her head. "I'm fine Richard and Dad." She said to us. "Hindi naman masakit ulo ko." She said with assurance.

Sabay kami nag pakawala ng buntong hininga ni Daddy, tila ba nahimasmasan dahil sa pagkaka pass out niya.

She hold my hands at napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng akin kamay. "What happened to me?" She ask.

Tinignan ko siya sa kanyang mga Mata at nag susumigaw ang pag aalala niya. Madali talaga siyang basahin, she's very transparent. Kung may gusto kang malaman sa kanya, tumingin ka lang sa kanyang mga Mata, mababasa mo na ang kanyang nararamdaman.

Marahan kong pinisil ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanya. "Bigla kang natulala, or should I say you pass out for a minute." Sabi ko sa kanya. "Are you sure your okay?" I said again.

She gave me assurance smiled. "I'm okay sweetheart. Siguro side effect lang ng gamot ko." Aniya.

Tumango na lang ako.

Hinatid ko siya sa kanyang opisina, magaang lang ang kanyang trabaho ngayon, pansalamtala na si Clare muna ang nag proof reading ng mga article sa mga magazine. Dino-double check na lang niya ito.

Less work, less stress for her. Nung Una ayaw niya pa pumayag munit nung kalaaunan wala din naman siyang magagawa. It's either na tutulungan siya ni Clare o sa bahay lang siya hanggang handa na siya mag trabaho.

"Sabay na lang tayo mag lunch mamaya huh." Aniya, habang nasa tapat kami ng lift. "I got a reservations for two, sa restaurant sa tapat." Dagdag niya pa.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Dahil sa kanyang sinabi. Iniisip ko din kung akong okasyon at bakit biglang may lunch reservations siya.

Hinawakan niya ako sa akin braso at ngumiti sa akin. "It's a thank you lunch baby." Malambing niyang sabi sa akin.

"Thank you lunch?" Nag tataka kong tanong.

She smile sweetly. "Thank you lunch for you. Sa pag aalaga sa akin, sa pag iintindi at walang sawang pag suporta." Nahihiya niyang sabi.

Nag simula na naman umikot ang akin sikmura tila ba may nagpa-party na insekto sa akin tyan. I bit my lower lip para pigilan ang ngiti sa akin mga labi.

Marahan ko siyang pinaharap sa akin. I don't care kung nasa public place kami, at maraming nakikinig at nakatingin sa amin. O kahit pinalagpas namin ang lift na huminto sa amin palapag.

"No need to thank me. Ginawa ko yung dahil mahal kita at hindi ako mag sasawa na paulit ulit na gawin yun para sayo, sweetheart." Sabi ko sa kanya.

She smiled bago niya ako yakapin.

"I love you baby." Bakas sa boses niya ang saya.

Man, hindi ko alam kung paano itatago ang kilig na akin nararamdaman.

"I love you too sweetheart." I whispered and kiss her forehead.

"Wag niyong ipamukha sa amin, Ma'am. Nicomaine and Sir. Alden, na wala kaming lovelife." Napatingin ako sa amin gilid ng biglang nag salita si Clare.

Natawa ako, habang ang asawa ko ay para ng pusa na nag tago sa akin dibdib habang mariin ang pagkakahawak sa akin suit.

"Hala, si Ma'am. Nicomaine, ikaw pa nahiya sa amin. Dapat kami ang mahiya sa inyo dahil inistorbo namin ang pag lalandian niyong dalawa." Pang aasar na sabi ng isa pang sekretarya. "Kulang na nga lang pop corn para na tayong nasa sinihan. Di ba Clare?" Dagdag niya naman at tumango naman si Clare.

Natawa ako sa lalong pag siksik ng akin asawa sa akin suit, parang guston na niyang pumasok dun at mag tago hanggang hindi pa nakakaalis ang kanyang sekretarya at ka-trabaho.

Kung pwede nga lang bumuka ang lupa at lamunin siya ginawa niya na ito.

Memories of Us.Where stories live. Discover now