Chapter 11.

654 41 2
                                    

Then.

Chapter 11.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasan maalis ang akin mga Mata sa kanya, panay ang sulyap ko sa kanya, lalo na kapag tumatawa siya.

She laugh rediculously, yung parang kambing yung tawa niya and I find it funny kahit nakakahiya kapag may nakakarinig na iba.

Ilang beses din nag tama ang mga paningin namin, umaarko na hugis bulkan ang kanyang kilay bago niya ako irapan.

Itinuon ko na lang ang akin mga Mata sa pagkain, kesa isipin pa siya, maiirita lang ako lalo.

Napuno ng ingay at tawanan ang amin lamesa, si Leo at Nicomaine ang nangunguna sa kaingayan at tawanan. Kataka takang sa pagiging introvert at mahiyain niya, may natatagong ka abnormalan siya.

"Excuse me." Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking nakaitim na biglang sumulpot sa amin harapan.

He's wearing a blacksuit, may dala siyang mahabang kwadradong box.

"Yes?" Tanong ni Cole sa kanya. "Anong kailagan mo?" Dagdag pa nito

"I'm looking for Ms. Nicomaine Mendoza?" Seryosong tanong nito.

"Bakit po?" Tanong ni Nicomaine sa lalaki. "I'm Nicomaine." Pagpapakilala niya.

Ngumiti ang lalaki sa kanya staka lumapit sa kanya. "Ma'am delivery po." Anito sabay pakita ng malaking kahon.

Nag tatakang tumayo si Nicomaine para abutin ito. "Kanino po galing?" Tanong niya.

"Kay Mr. Richard Faulkerson Sr. Po Ma'am." Anito.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nicomaine ng narinig ko ang pangalan ng akin ama.

She gave me a question look, umiling lang ako dahil wala akong ideya sa pinadala ni Daddy sa kanya.

"Mauna na po ako Ma'am." Paalam ng lalaki.

Ngumiti si Nicomaine sa kanya bago tumango. "Salamat."

Iniligpit nila Cole at Leo ang mga kalat sa lamesa para mailagay ang kahon sa ibabaw nito, habang ako ay pilit iniisip kung anong laman nito at bakit nag padala si Daddy sa kanya. He didn't even mention to me, nung kausap ko siya kanina.

Nag tataka man, para siyang batang excited buksan ang kanyang regalo. She's smiling habang binuksan ang kahon, at habang pinapanuod siya hindi ko namamalayan na umuusbong na ang ngiti ko sa labi. Nakakatuwa siyang paunuorin. Bigla ko tuloy naisip, ngayon lang ba siya na surpresa o ngayon lang siya nakatangap ng regalo, na mukhamg malabo.

May kinuwa siyang maliit na card sa loob ng box.

"Wear this tonight Daughter." She read it while smiling.

Kinuwa ito ni Leo sa kanya at tahimik binasa. "Ang sweet naman ng Daddy mo Richard, Sana gento ka din." Aniya sabay tingin sa akin ng may nakakalokong ngiti.

I glared at him.

"Hindi mahilig sa sweet si Richard, mahilig yan sa ampalaya Pare." Pangagatong naman ni Cole.

Memories of Us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon