"Magkano na naman 'yan?" sita ni Vasco nang napansin nito ang suot niyang Cartier Juste un Clou bracelet.

"Luma na ito, three years ago ko pa nabili."

Gaya ng kanyang ina noon, wala siyang hinahawakang sariling pera kundi ang sweldo niya sa TBS. Pero nabibili niya naman lahat ng gusto niya galing sa kaban ng kanyang pamilya.

"You're buying too much expensive stuff."

Nagkibitbalikat si Helga. "Iyan na nga lang ang guilty pleasure ko since I can't travel often dahil sa maraming responsibilidad sa trabaho," may himig pangongonsensiya sa ama na sabi niya.

"Alam mong hindi kita ilalagay sa posisyong iyan kundi dahil sa kagustuhan ng Lolo mo."

"Oh, I know. No need to remind me. Si Elian talaga ang gusto ninyong maging COO. Well, too bad, Papa. Ako kasi ang legitimate child mo."

Gusto mang sumama ang loob ni Helga sa kagustuhang iyon ng kanyang ama ay hindi niya lubos na magawa. She was aware that Elian was more capable to do the job than her. Matalino ito, disiplinado at genuine ang concern sa kompanya kahit alam nitong wala itong makukuhang share mula sa kita niyon. Samantalang siya ay ginagawa lamang ang trabaho bunsod ng kanyang tungkulin sa pamilya.

"Magiging AVP for operations si Elian sa reorganization, mas matutulungan ka na niya sa mga gawain."

Kung pupuwede niya lang hilingin na si Elian na lamang ang humawak sa kanyang puwesto. Pero alam niya namang hindi mangyayari iyon. Pakiramdam niya'y ipinanganak siya sa loob ng isang kulungan. Na kahit iniisip niyang takasan ay parang may tanikala pa rin ang kanyang mga paa na hindi niya magawang lumayo. Maybe she already got too comfortable that she didn't know what it feels like to be free anymore.




SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, hindi maka-focus si Sloane sa pakikipag-sex. Man, he was about to have sex to three girls and here he was, his mind was floating away.

"What's wrong?" sita sa kanya ni Alexa na takang-taka ang pagkakatingin sa kanya nang hindi siya gumagalaw kahit hubo't hubad na ang tatlong babae sa kanyang harapan. Parang nag-aalala yata itong nanuno siya o sinapian ng masamang espiritu.

Umiling si Sloane. "I-i can't."

"What do you mean you can't?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Alexa.

"I told you, I'm getting married already."

Umalis ang babae sa kanyang kandungan. Ang dalawang kasama naman nito ay dismayadong tumuwid ng tayo at sabay pang nameywang.

"So? Huwag mong sabihing seseryosohin mo? Sabi mo, business deal lang iyon, ah?" sabi pa ni Alexa.

Nagbuga siya ng hangin. Paano niya ba ito maipapaliwanag nang maayos gayong siya nga ay naguguluhan din sa sarili? May parte ng kalooban niyang ayaw seryosohin ang kasal, after all, pinilit lang naman siya para gawin iyon. Hell, even his fiancee wanted to bear their child from artificial insemination! Parang isang malaking kalokohan lang ang lahat at hindi siya papayag na matali nang ganoon sa buong buhay niya. Paano naman ang kaligayahan niya?

"Cancel na naman ba ito?" nakasimangot na tanong ni Faye.

"C'mon, Sloane. Ikakasal ka palang naman, gaya ng sinabi mo. Hindi ka pa officially taken. Hell, I once fucked a guy in his stag party!" hikayat naman ni Gracie.

Tumayo na siya at nagtaas ng underwear. "Sorry, girls."

"Sloane!" maktol ni Alexa.

Gusto niyang batukan ang sarili. Heto ang mga nakakatakam na mga babae at tumatanggi siya. Baka totoo ngang may sapi siya ng masamang espiritu! Patawas kaya siya?

Hanggang pag-uwi ni Sloane sa kanyang bahay ay naiinis siya sa sarili. Ngunit habang nasa ilalim siya ng shower at tila sinasabon ang katawan upang maalis ang anumang bakas na iniwan sa kanya ng tatlong babaeng tinanggihan niya ay may realisasyon na biglang bumuhos sa kanya kasama ang tubig mula sa dutsa. Umaayaw ba siya sa sex dahil sa ikakasal na siya o iba talaga ang gusto niyang ka-sex nang mga sandaling iyon?

Mula nang makilala niya si Helga ay parang may nagulo sa kanya at naiirita siya sa sarili dahil doon. Siguro ay dahil ito ang pinakaunang babae na tahasang tumanggi sa kanya sa sex at nasaling ang kanyang ego? What more, sinungitan at tinarayan pa siya at kulang na lang insultuhin pati kaluluwa niya.

Artificial insemination daw, ha? Bullshit. Sisiguraduhin niyang magkakaanak siya kay Helga sa pinakasamarap na paraan at sisiguraduhin niyang hindi makakahindi sa kanya ang babae.




NAPANGISI si Sloane nang mamataan si Helga na naglalakad sa hallway sa fourteenth floor ng building kung nasaan ang opisina nito. Hindi naman naitago ni Helga ang pagkabigla sa pagkakita nito sa kanya. Pagkatapos niyang amuyin ang hawak na mga sari-saring bulaklak ay liyad ang dibdib na naglakad siya pasalubong rito.

As he walked closer towards her, alam na niya kung ano 'yung nagulo sa kanya noong una niyang makita ang babae. Actually, noong una pa lamang niya itong nakita sa picture. He actually really liked her.

"Hi," bati niya rito na sinamahan ng matamis na ngiti.

Kung puwede lang niyang budburan ng sugar, honey at iba pang matatamis na panimpla ang ngiti ay gagawin niya, magkaroon lamang ng positibong epekto sa babaeng ito. Pero hindi niya alam kung saan ipinaglihi si Helga dahil gaya ng una nilang pagkikita ay hindi nito sinuklian ang kanyang ngiti.

Well, she took the flowers at least.

"Thank you," flat nitong sabi.

Ah, how he had missed that sexy voice!

Sa labis na kasiyahan ay ginawaran ito ni Sloane ng mabilis na halik sa bibig. Her reaction was priceless. Parang tatalon ang mga eyeball nito mula sa sockets ng mga iyon at napakalaki ang awang ng bibig. Tila gagalaw ito nang may dalawang empleyadong lumabas mula sa isang pinto sa kanilang likuran.

"Let's go to my office," sabi na lang nito sa kanya.

He smiled as he gently put his arm on her waist when they started walking. Hey, he could get used to this.

"Hands off, Cartagena," matigas, galit at nagbabadya namang sabi ni Helga. "Hands. Off!"

"Okay, boss," natatawang sabi naman ni Sloane.

Nakipag-unahan pa ang babae sa kanya nang akmang bubuksan niya sana ang pinto para dito. Mabilis itong pumasok doon at ngingiti-ngiti naman siyang sumunod rito. May isang babaeng empleyado roon na tumayo mula sa upuan nito nang makita silang magkasama. Base sa ngiti nito ay alam niyang namumukhaan siya nito, at parang alam na rin nitong siya ang mapapangasawa ng amo nito.

"Hello, Mister Cartagena," bati nito sa kanya, kinikilig pa yata.

"Hi," bati niya naman pabalik at iniabot ang kamay rito nang makalapit sa mesa nito.

"I'm Chelsea, executive assistant ni Helga," pagpapakilala nito sa sarili. "Ako 'yung nakausap mo sa phone last week."

Tuloy-tuloy naman si Helga sa opisina nito matapos ibigay kay Chelsea ang mga bulaklak. Ni hindi nito iniwanang bukas ang pinto para kay Sloane. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok bago siya pumasok roon. Only to be horrified by what happened next.

Hindi niya alam na posible palang mangyari ang eksenang nakikita lamang niya sa mga action movie. But Helga somehow managed to tackle him to the floor. Ni hindi niya namalayan kung anong unang tumama sa kanya. He felt a sharp jab on his belly and next thing he knew, he was already on the floor, his one hand was being twisted, his head trapped in between her legs.

What. The. Fuck?

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant