I'm working in one of the restaurants na pagmamay-ari ni Amira Suarez, siya yung sinasabi kong kaibigan ko.

Five years ago nang umuwi ako sa Pilipinas ay hindi ko alam ang pupuntahan ko. Kung paano ako nakapunta sa ibang bansa ay mahabang kwento at ayoko na iyong balikan. I was so young and reckless.

Si Amira Suarez ang tumulong sa akin nang bigla nalang akong nagcollapse sa daan ilang metrong layo sa isang sasakyan at saktong siya ang nagmamaneho nung sasakyan sa araw na iyon. Hindi niya ako nasagasaan pero pilit niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyari marahil ay nasa harapan ako ng kanyang sasakyan dahil tatawid sana ako nang bigla nalang akong nahilo at natumba na agad naman siyang nakapag preno. Dinala niya ako sa isang pribadong ospital at hindi na rin ako nagpapigil dahil nahihilo pa rin ako sa oras na iyon. At nalaman ko nalang na buntis pala ako after the Doctor checked me. I was 5 weeks pregnant. Dalawang araw matapos akong makauwi sa Pilipinas tsaka ko rin nalaman na may dinadala na pala ako sa sinapupunan ko nang magtagpo ang landas namin ni Amira.

I was 21 back then, young and pregnant, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga araw na iyon. Umiyak ako ng umiyak at hindi makapag-isip ng maayos. Paano ko bubuhayin ang anak ko? Pero kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag ito. And that was the best decision I've ever made in my life, may nagawa rin akong tama at dahil doon nahanap ko ulit ang kasiyahan ko. My twins are my happiness and my life.

I am so very thankful of Amira, hindi niya ako pinabayaan sa araw na pinagtagpo kami. Sinabi niya na tutulungan niya ako hihingi rin daw siya ng tulong sa Daddy niya dahil isa siyang Mayor sa bayan noon. Sinabi ko naman na kaya kong pagtrabahuan ang tulong na binigay nila sa akin. Pumayag naman siya at ngumiti sa akin. Naging isa ako sa mga empleyado ng kanilang kompanya na nagma-manufracture ng wine. Tinanggap ako ni Mr. Suarez kahit na buntis ako at hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo. Pitong buwan lang din akong nagtrabaho doon dahil kailangan kong magleave para sa nalalapit na panganganak ko, kahit kaya ko pa ay si Amira mismo ang nagsabing kailangan ko nang magpahinga.

Simula noon ay naging magkaibigan na kami ni Amira, she was 20 years old back then pero kung mag-isip ay parang isa na itong 25 years old. She's matured enough at nagpapatayo na rin ito ng sariling business niya which is the De Light Rrestaurant. Hindi katulad ko noong 20 years old din ako na ginagawa ko lang kung anong gusto ko not minding what would be the consequences after.

Laking pasasalamat ko sa mag-amang Suarez dahil sa napakalaking tulong nila. Kaya lumaking maayos ang kambal ko. After ko silang maipanganak ay nagpahinga muna ako ng isa at kalahating taon. At tinapos ang isang taon ko sa kolehiyo sa kursong Culinary Arts at nagsimulang magtrabaho ulit, that time ay sa isa sa mga branches na ng restaurant ni Amira. Ako na ang naging Executive Chef and at the same time ay Manager na rin.

Babies palang ang mga anak ko ay sa gabi ko nalang sila nakakasama dahil sa trabaho, nag-offer din si Amira ng taong magbabantay sa kanila at 'yon ay si Nanay Kas, ang taong nag-alaga rin kay Amira noong baby pa siya. Minsan ay kasama rin ni Nanay ang kaniyang anak para tumulong sa pag-aalaga ng kambal.

Nakakalungkot lang isipin na kailangan ko silang iwan araw-araw. At bigla akong nalungkot sa sinabi ng anak ko.

"Akira, Kyara sleep na okay? Hindi aalis si Mama ng 7 days. Promise." Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata nila habang itoy nagniningning.

"Talaga Mama?" Tumango ako. Tsaka naman niyakap nila akong dalawa na ikinahiga namin sa kama at sabay humalakhak.

"Diba bukas birthday niyo na?" Sila naman ang tumango.

"Kaya matulog na kayo at marami tayong pupuntahan bukas," tumalon sila sa kama dahil sa saya at excitement. I smiled.

"Eyy! Baka mahulog kayo." Saway ko at pinatigil sila sa pagtalon sa kama. Mabuti nalang at wala si Nanay Kas dito sa kwarto baka kasi magising dahil sa kakulitan ng dalawang bata, nasa kabilang kwarto ito. Katabi ko kasi ang kambal sa pagtulog sa tuwing umuuwi ako.

Mafia Boss 2: Owned By Him حيث تعيش القصص. اكتشف الآن