Chapter 27:Forgiveness

34 3 0
                                    

Alez's POV
Maaga akong nagising kaya bumaba nalang ako dahil nagugutom paman din ako
Nadatnan ko silang masayang kumakain sa hapag kaya tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ng biglang tinawag ako ni mommy

"Anak halika na kumain na tayo nagluto kami ng daddy mo!"

"Kayo nalang po nawalan na po ako ng gana!"

Agad akong tumakbo sa taas at kinuha yung cellphone ko.

Ring ring....

"(Hello.)"

"(Hello si Alez to pwede mo ba akong sunduin?)"

"(Sige ill be there at 5 minutes)"

Binaba ko ka agad yung tawag at nagbihis na para makaalis .Pagkababa ko sa sala ay nadatnan ko sila mommy at daddy na naguusap agad napabaling yung tingin nila sa akin kaya dumiritso lang ako.Pagkalabas ko sa gate ay nandoon na si Daniel nag abang kaya sumakay kaagad ako.

"Bakit anong nangyari nagmamadali ka yata?"

"Dalihin mo ako sa tahimik na lugar yung makapagrelax tayo!"

"Sige madam"pagkasabi niya non ay agad akong nagulat pero ibinaling ko nalang yung tingin ko sa ibang direksyon.

Nakatulog nalang ako dahil sa haba ng byahe at nagging ako dahil sa mahinang pagtawag ni Daniel sa akin.

Nandito ako ngayon sa tabing dagat sa ilalim ng puno nakatanaw lang ako sa malayo .

"Ang lalim ng iniisip mo ha pwede pa share naman?"

"Masama ba akong anak pag hindi ko siya pinatawad masama ba yun?"

"Hindi naman sa masama pero may mga bagay talaga na kailangan mong tangapin at kailangan mong magpatawad dahil kung hindi mo mapapatawad palagi ng nakatatak yan sa isipan mo"

"Kasi masakit parin kahit anong gawin ko masakit parin!ang sakit pa rin!"

"Sa buhay natin matututo tayong magpatawad para sa ikakabuti pero yang pagpapatawad na yan hindi naman nagmamadali yan may tamang oras at tamang panahon para makuha ang inaasam asam na kapatawaran."

"Hehe ang drama ko na naman ang sarap ng simoy ng hangin dito sana dito nalang ako tumira para pagganito ako gagaan yung pakiramdam ko."

"Gusto mo bang maligo?"

"Mababasa yung kotse mo pagnaligo pa ako"

"Wag kang mag alala okay lang sige maligo na tayo "

"Sige!"

Agad niya akong dinala sa dagat kaya lumangoy nalang ako ng lumangoy malayo na yung narating namin hanggang sa napagod na kami kakalangoy pero tumigil din kami sa may malaking bato at doon kami muna umupo hanggang sa magsalita siya

"Sana ganito nalang ang buhay no walang kahit anong lungkot"

"Hmmmmm"
Umupo lang kami doon hanggang sa malapit ng lumubog yung araw at nag enjoy kaming pinanuod ang pag sunset.

Nagyaya agad si Daniel na umuwi na kami kaya pumayag nalang din ako at nung makarating sa bahay ay nadatnan ko silang kumakain kaya agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis nung medyo tuyo na ako ay bumaba ako para makakain at pagbaba ko ay nakita ko nalang si manang na naghuhugas kaya kumain nalang ako mag isa.
Pagkatapos ay kumuha ako ng wine at umupo sa gilid ng swimming pool .

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ay naalala ko kanina yung nangyari .Enjoy na enjoy ako na parang walang problema.

"Anak pwede ba kitang makausap?"tinanguhan ko lang siya at lbinaling ko sa malayo yung tingin ko

"Ahhh anak gusto ko sanang humingi ng pasensya sa lahat ng nangyari sana maintindihan mo ako .Kung hindi mo ako mapapatawad ngayon hindi parin ako titigil sa paghingi ng kapatawaran dahil parang ang laki ng kasalan at pagkukulang ko sayo pasensya na sorry anak"hindi ko naramdamang umiiyak na rin pala ako kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit patuloy parin siya sa pagsasalita"Gagawin ko ang lahat para lang sa inyo anak gagawin ko hanggat sa mamatay man ako kaya ko pang ibuwis yung buhay ko para maptotektahan ko kaya ng mommy mo"iyak ng iyak lang ako doon .

"Pinapatawad na kita dad matagal na pero may part parin sa akin na nasaktan ang sakit lang kasi isipan na kasinungalingan lang pala ang sakit na dinanas ko ."iyak lang ako hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Kahit hindi ko masabi anak noon masasabi kong proud na proud akong lumaki kang ganyan,mabutin ang puso,masasabi ko sa lahat na ikaw yung anak ko .Kahit wala ako sa tabi mo nung lumaki ka alam kong mabuting bata ka !"umiiyak rin sabi niya sa akin habang nakaharap ako sa kanya.

"Hmmmm eh dad naman eh ang drama na natin eh"habang nagpupunas ako ng luha.

"Hahahhah sige ba at sabihin mo kay Daniel bayon?"siya habang tumatawa.Nabigla naman ako sa tanong niya kaya kumunot yung noo ko.

"Upo bakit po?"alinlangang tanong ko.

"Sabihin mong boto ako sa kanya!"nakangiti pang saad niya.

"Dad"saway ko naman sa kanya kaya tumawa siya ng malakas.

"Hahahahahh oh tahan na anak baka mamaga na naman yang mga mata mo"natatawang biro pa niya kaya napasimangot naman ako

"Ikaw kasi eh"nagtatampo pang sabi ko

"Biro lang sige matulog kana para maaga tayong makapagpasyal bukas"nakangiti parin sabi niya

"Hmmm sige po"nakangisi narin sabi ko .

Tumalikod agad ako dahil sa sobrang saya pagpasok ko sa kwarto ko ay nagtatalon ako sa tuwa at agad na tinext si Daniel.

To:Daniel
Salamat💋
From:Daniel
Welcome Madam!

Napangiti naman ako sa reply niya kaya hindi ko na siya nireplyan at natulog nalang ako.

Please vote guysss....

Paalala:Basahin niyo lang wag niyong ijudge .Hindi ko to sinulat para magpakitang gilas sa lahat sinulat ko to kasi gusto ko kung ayaw niyo sa story pwede rin pong hindi niyo ito basahin .Yun lang po salamat sa pag intindi💕👋 lovelots .Enjoy reading.

-Its_me_pangpang💋

P.s:sorry po sa grammar at sa mga mali na words eedit ko rin yan pagnatapos ko na to.salamat sa pagintindi

Until You Came [REVISING]Where stories live. Discover now