CHAPTER 8:Confuse

34 3 0
                                    

ALEZIA's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEZIA's POV

KINABUKASAN

Nagising ako sa liwanag na nanggaling sa bintana kaya bumangon agad ako ,pumasok sa banyo at naligo .
Pagkatapos ko magbihis at mag ayos ng sarili ay bumaba agad ako at pumunta sa kusina.

"Dan?"
May napansin akong pagkain kaya kinuha ko ito at tamangtama na gutom nako pero may nahulog dun na isang papel kaya pinulot ko to at binasa

Kainin mo yan MADAM ,inihanda ko yan para sayo sana magustuhan mo alam kong hindi ka marunong magluto

-DAN💕💕😆
Napangiti ako sa sulat niya kaya masaya akong kinain yung inihanda niyang pagkain .

Gentleman rin pala

Pagkatapos kung kumain ay agad akong nag toothbrush at pumunta sa taas para magbasa muna pero agad rin akong natapos kaya nagbihis ako ng swimsuit at naisipan kong maligo sa swimming pool

Nasa kalagitnaan ako ng paglangoy ay may narinig akong tumalon mula sa gilid kaya umahon ako at hinanap kung sino yung tumalon pero wala akong maaninag na tao kaya magpapatuloy na sana ako na may isang kamay na humawak sa paa ko kaya nagulat talaga ako at pinagsisipa ko ito

"Chill madam halos mamatay nako dun sa ilalim sa matagal na hindi humihinga tapos sinipa mo pa ako ang brutal mo naman"nakanguso pang sagot niya

"Talagang malilintikan eh halos patayin muna ko sa gulat eh kaya tama lang yang ginawa ko sayo"pasinghal na sagot ko sa kanya kaya ayon nakanguso na namang sumunod sa akin sa tabi ng swimming pool

"Ang sexy mo pala noh ngayon lang kasi kita nakitang nag damit pangbabae eh"nakangising saad niya habang tinitignan ang kabuuan ko kaya hindi ko nalang siya pinansin at kumuha nalang ako ng tuwalya para takpan yung sarili ko kasi hindi ako sanay na may ibang nakakita sa akin na ganito ako.

"Wag mong takpan sexy ka naman eh"nakangising asong saad niya.Hindi ko siya sinagot at pumasok nalang ako sa loob at dumiritso sa kusina para maghanap ng pagkain ng mahagilap ko ang isang sandwich doon kaya kinain ko na ng may naramdaman akong tao sa likod kaya hindi ko na inubos dumiritso na ako sa taas para makapagbihis man lang .
AFTER 30 minutes tapos narin ako at naisipan kung wag muna bumaba baka makasalubong ko na naman si DANIEL naiilang kasi ako sa mga tingin niya ngayon lang kasi ako nakaranas na may ibang nakakita sa akin na ganon ang anyo ko kaya dito muna ako

Ang ganda ng binasa ko dito sa libro na bago kung bili kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakabasa

After a minutes.....
Toktoktoktoktok................

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa katok sa pinto galing sa labas kaya dali dali akong bumangon at binuksan ito agad namang bumungad ang malumanay na mukha ni Daniel kaya isasara na sana ko ito pero agad naman niya akong pinigilan at tsaka ginamit ang braso para hindi ko tuluyang masara ang pinto kaya bumuntong hininga nalang ako , pumasok nalang ako at humiga sa kama ,nagtalukbong ako ng kumot at naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ng kama ko .

"Ano bang nagawa at iniiwasan mo ako?may nasabi ba ako?"malumanay na saad pa niya.

"Wala umalis kana dito"pahinang pahinang sagot ko pa.

Naramdaman akong tumayo siya pero hindi ko parin inalis ang kumot na nakatabun sa akin.

"Pag galit ka sakin sabihin mo sana para alam ko kasi ang hirap dito daladalawa lang tayo tapos hindi mo pa ako kakausapin hayyy pag nagutom ka bumaba ka nalang aalis muna ako may pinapasundo kasi na bisita si aunt jean kaya susunduin ko muna at may inibilin siyang na itotour natin ang bisita bukas pero kung ayaw mung sumama ay pwedeng ako nalang mag aantay ako ng 8 bukas pero pag hindi ka bumaba aalis nakami sige una na ako"malumanay na sabi parin niya.

Umalis na siya kaya tinanggal ko na ang kumot.

Bakit ba ako nagkakaganito dahil lang ba yun doon o may iba na ?hindi naman talaga ako ganito eh gusto ko ng bumalik sa dating ako!

Bumaba na ako para kumain at may nakita akong pagkain don na alam kung sa kanya galing to hindi ko iyon ginalaw at naghanap nalang ng iba may itlog naman kaya yun nalang niluto ko at kumain na ,hinugasan ko iyong ginamit ko at bumalik na sa taas para matulog.

Hindi ako ganito noon nagbago lang ako ng ganon bigla nakakagulat lang na sa kaniya lang ako naging ganon.Hindi ko na hahayaang babalik doon pipilitin kung bumalik sa dating ako na walang pakealam sa kanya!Ipapakita ko sa kanya na wala akong paki!
Iwas lang dapat ang gawin ko!
Hindi ko namalayan na inaantokb na pala ako sa kakaisip kaya natulog nalang ako at hindi na inisip yun ,natulog nalang ako kasi napagdesisyunan kung sumama sa pagtotour ng bisita bukas.

Please vote guyssss....

Paalala:Basahin niyo lang wag niyong ijudge .Hindi ko to sinulat para magpakitang gilas sa lahat sinulat ko to kasi gusto ko kung ayaw niyo sa story pwede rin pong hindi niyo ito basahin .Yun lang po salamat sa pag intindi💕👋 lovelots .Enjoy reading.

-Its_me_pangpang💋

P.s:sorry po sa grammar at sa mga mali na words eedit ko rin yan pagnatapos ko na to.salamat sa pagintindi

Until You Came [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon