Angelo

: Ano ‘yon?

Angela

: What if hindi tayo sa huli?

Angelo

: I will be sad if it will happened, but I am hoping that it won't happen.

Angela

: Paano kung may iba na ako?

Angelo

: Papayag ka bang ipagpalit ako?

Angela

: Answer my question.

Angelo

: You should answer my question first.

Angela

: Ako ang naunang magtanong.

Angelo

: dot.

Angela

: Paano nga lang diba? Hindi naman kita ipagpapalit.

Angelo

: Chill. Hb ka na.

Angela

: Kasi gusto mo 'yong tanong mo ang sagutin ko. Nagtatanong lang ako ng mga 'what if's' dahil hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari lalo na't magkalayo tayong dalawa.

Angelo

: I see. Sorry.

: I am just afraid if that will happen.

Angela

: I understand, so back to the topic.

Angelo

: Ayaw kong pag-usapan pero kung gusto mo talaga ang sagot ko ito. . .

: Kung mangyayari man 'yon. . . tatanggapin ko kahit masakit. Hindi na kasi ako 'yong itinitibok ng puso mo at hindi ko naman puwedeng ipagsiksikan pa ang sarili ko. I will accept because that's our fate.

Angela

: Yiiieeee!

: Sana matanggap mo iyon kung sakali at huwag mon a akong habulin, ah?

Angelo

: Ba’t parang tunog nagbabalak kang ipagpalit ako?

: Paano kapag may iba na rin ako?

Angela

: Sasabunutan kita.

Angelo

: Huwag! Masakit 'yon.

Angela

: Seryoso, baka hindi ko makayanan. Baka mag-suicide ako.

Angelo

: wtf!

: Baliw, huwag. You shouldn't do that.

: Lalaki lang ako kaya huwag mong sayangin buhay mo.

: Hindi mo kailangang magpakamatay dahil lang sa wala na ako sa ‘yo. . . na wala na tayo. Mahirap man kalimutan ang lahat pero kailangan.

: Hindi ako kawalan. Hindi lang ako ang lalaki sa mundo, mayroon pa kaya huwag mong gawin ‘yon.

Angela

: Maaaring para sa ‘yo hindi ganiyan ang magiging epekto sa ‘yo, pero iba-iba tayo kung umibig.

: At natatakot akong umabot tayo sa puntong ganoon dahil hindi ko talaga kaya.

: Lalo na ngayon na magkalayo tayo. . . hindi ko maiwasang mag-alala sa relasyon nating dalawa.

: May mahahanap nga ako pero iba ang pag-ibig mo. Iba ang pinakita mong pagmamahal na nakasanayan ko na, at iyon ang paraang gusto ko na sa tingin ko ay hindi ko na mahahanap sa iba.

: You're my source of joy, Angelo. You are not my ideal boyfriend but you give me the love I deserve.

Angelo

: Everyone deserves to be loved. You deserve
more, babe.

: Hindi mangyayari iyang kinakatakutan mo basta may tiwala tayo sa isa’t isa. I trust you, babe.

: We can survive this long-distance relationship.

: You should sleep already. Sleep well. I'm always here for you.

Angela

: Pinapatulog mon a ako pero ikaw hindi pa matutulog kaya mamaya rin muna ako dahil maaga pa.

Angelo

: Matutulog na rin ako kaya pinapatulog na rin kita.

Angela

: Oh, sige. good night!

Angelo

: Sweet dreams, babe.

: Kitakits sa panaginip!

Angela

: See yah!

Angelo

: I-seen mo na lang itong chat ko. Mas gusto ko kasing ako ang nase-seen kaysa sa ikaw ang i-seen ko.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now