CHAPTER SIXTEEN

3.3K 271 29
                                    

PINAPASOK ko si Raeken sa loob ng bahay, tapos ay sinabihan ko siyang maligo at magpalit ng damit. Tahimik lang siyang sumusunod sa lahat ng mga sinasabi ko, kaya hindi ko mapigilang manibago sa inaasal niya. Pero inintindi ko na lamang siya. Mahirap na ang pinagdadaanan niya nitong nakaraan, kaya natatakot rin akong magtanong.

Inihanda ko na ang mga gagamitin ko sa paggamot sa mga sugat at pasa ni Raeken, nang madiskubre kong wala na pala kaming bandage at betadine. Siguro bibili na lang ako mamayang konti. Kumuha na lang muna ako ng warm compress para sa mga pasa ni Raeken.

Naupo ako sa tabi niya, tapos ay hinawakan ko ang kamay niya para masimulan na siyang gamutin.

"Teka..." pagpigil niya sa akin. "Baka masaktan ka rin. Paano yung kondisyon mo?"

"Okay lang yun. Sanay na ako sayo. Tsaka ginagamot na kita, hindi ba? Eh 'di ibig sabihin mababawasan na rin yung sakit na narereflect ko sayo," tugon ko habang bahagyang dinidiin ang compress sa braaso niya. "Ano ba kasing nangyari?"

Hindi sumagot agad si Raeken. Para bang nag-iisip siya kung paano sasabihin ang lahat sa akin. Habang hawak ko ang kamay niya, ramdam ko ang sakit at takot na nararamdaman niya. Alam kong pinipigilan niya ang pag-iyak noong mga oras na iyon.

"Sinubukan ko, Wendy... Sinubukan kong gawan ng paraan na makaalis ako sa impyernong sitwasyon ko. Kinausap ko si mommy... Sabi ko, pagod na ako. Pagod na akong maging replacement ni Randall sa buhay niya. Gusto ko nang matapos ang pagbabayad ko sa pagkamatay ng kakambal ko...

"Pero sinaktan lang ako ulit ni mommy..." biglang umagos ang luha mula sa mga mata ni Raeken habang nakakuyom ang mga kamay niya. "Paulit-ulit niya lang akong sinaktan uli, kagaya ng dati... Sinabi ko na tigilan niya na pero hindi niya naman ginagawa. Hindi ako makalaban kasi natatakot ako na itakwil niya ako... Ayoko ring saktan si Mommy...

"M-masakit. Masakit yung mga palo niya, yung mga suntok. Yung mga latay na nakukuha ko galing sa kanya, mahapdi lahat. Pero mas masakit kapag naiisip kong si Randall ang nakikita niya sa akin at hindi ako. Nung nawala si Randall, parang nawalan na siya ng anak kasi hindi niya naman ako nakikita... Hindi naman ako ang paborito niya.

"Sana ako na lang ang namatay, hindi ang kakambal ko. Dapat ako na lang ang nasagasaan, hindi si Randall. Ako na lang dapat ang nawala, para hindi ganito ang sitwasyon."

Pinisil ko nang bahagya ang mga kamay niya. Kasabay ng kirot ng mga pasa at sugat niya, ramdam ko rin ang labis na sakit at hinagpis na nararamdaman niya sa puso niya.

"Huwag mong sasabihin yan. Hindi mo kasalanan kung bakit namatay ang kapatid mo. Hindi ba sinabi ko na yan sayo?" tugon ko habang nagpipigil ng iyak.

"Pero mas maganda kung ako na lang ang namatay, hindi ba –"

"Raeken, tama na please? Huwag mo nang sasabihin yan." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Raeken, "Dito ka muna sa amin. Sigurado naman akong walang problema kina mama at papa na nandito ka. Aalis lang muna ako saglit ha? Bibili lang ako ng bandage para diyan sa mga sugat mo. Huwag kang aalis," pagpapaalam ko kay Raeken na hindi man lang ako sinagot. Nakaupo lang siya sa sofa kung saan ko siya iniwan habang nakatulala.

Bago ako lumabas ng bahay ay muli ko siyang tiningnan at kinausap.

"Raeken..."

Napatingin siya sa akin.

"Hintayin mo ako."

Tumango lamang siya habang tinitingnan ako. Kahit pa nag-aalangan ako, pinili ko pa ring lumabas para makabili ng gamot para sa mga sugat ni Raeken. Nagmamadali akong lumabas ng bahay para makabili agad ng mga kakailanganin ko para gamutin si Raeken. Halos tumakbo na nga ako papuntang pharmacy para lang makauwi ako agad sa bahay.

Touching You, Touching Me [✔]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें