CHAPTER FIVE

4.1K 263 32
                                    


"ANONG ginagawa mo dito?" tanong ko kay Raeken paglapit ko. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay natetempt talaga akong bigwasan siya.

"Eh 'di sinusundo ka," he replied like it was the most obvious thing in the world.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Eh 'di nagtanong-tanong lang ako. Do you really think it's impossible for me to know where you live?"

Kalmado lang ang mukha ko, pero sa loob-loob ko ay isang buong diksyunaryo na ng mura ang nasabi ko. "Oo na, oo na. Pero bakit kailangan mo pa akong sunduin?"

"Naninigurado lang naman ako. Baka kasi mamaya hindi ka pumunta doon sa meeting place sa school, kaya pumunta na lang ako dito. At least alam kong hindi ka makakatanggi kapag andito ako."

Kinikilabutan ako kapag iniisip ko kung paano niya nahulaan na iyon ang balak ko. May sa engkanto ba ang lalaking 'to? Kaya niya bang basahin ang isip ko?

Hindi ako agad nakasagot. Ngumisi siya sa akin.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya sa akin. "Siguro tama ako, 'no? May balak kang hindi pumunta sa meeting place? Hindi ka aattend ng outreach program?"

"H-hindi ko naman kasi sinabing isama mo ako sa ganoon."

Tinawanan niya na lamang ako, tapos ay pinitik ang noo ko. "Hindi ka makakatakas sa akin. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka."

"Kung hindi lang –"

"Anak, sino yan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni mama mula sa likuran. Napalingon ako agad, just to see my parents watching us from the door way.

"Good morning po, Ma'am, Sir. Kaklase po pala ako ni Wendy. Ako po si Raeken Arevalo," magalang niyang pagpapakilala sa mga magulang ko.

"Arevalo?" tanong ni Papa sa kanya. "Arevalo, as in..."

"Opo," magalang niyang tugon. "Si Senator Arevalo po ang tatay ko."

Nanlaki ang mga mata ni Papa, at halatang manghang-mangha siya sa presensiya ni Raeken.

"Ahh, ganun ba?" nakangiting tugon ni Papa. "Kasama ka siguro ni Wendy sa outreach program mamaya. Pumasok ka muna dito sa loob ng bahay namin. Mag-almusal ka muna."

"Wendy," ani mama sa akin, "Papasukin mo naman ang kaklase mo."

Nakakastress ha. Kakakilala lang nila kay Raeken pero ganyan na sila porke anak siya ng pulitiko. Itong mga magulang ko kung makaasta akala mo naman binisita ng isang artista dito sa bahay.

Pero hindi ko rin mapigilang mag-panic sa mga sinabi nila. Baka kapag pinapasok ko si Raeken sa bahay ay bigla niya akong isumbong. Hindi pwede iyon, 'no!

"Naku huwag na po. Aalis na rin naman po kami. Baka kasi ma-late kami doon sa meeting place," sabi ko habang marahang tinutulak papasok ng bahay ang mga magulang ko. Tapos ay agad kong kinuha ang bag ko. "Sige po, 'Ma, 'Pa. Aalis na po kami. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos ng outreach program namin."

Nagtatakbo ako palabas ng bahay para hindi na magtanong pa ang mga magulang ko. Agad akong lumabas ng gate at dumiretso kay Raeken na nakangisi pa habang pinapanood ako.

"Sira ulo ka rin, ano? Bakit ba kasi pumunta ka pa dito sa bahay namin? Wala tuloy akong choice kundi ang sumama sa bwisit na outreach program na 'yan," naiinis kong untag sa kanya.

"Iyon nga ang gusto ko eh. Yung wala ka nang choice kundi ang sumama na lang." Tapos ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pumasok na siya sa loob. "Dito na lang tayo sumakay sa kotse papunta doon sa ampunan. May mga kung anu-ano pa kasing dadaanan yung bus na gagamitin bilang service vehicle. Mas mabilis kung sa akin ka sasabay."

Touching You, Touching Me [✔]Where stories live. Discover now