Let me be philosophical for a minute or two

49 4 3
                                    

It's been a while.

Ang tagal kong hindi nakapagsulat ulit dito sa Kamalayan. Ang tagal din bago ako nagsulat ulit sa Wattpad.

Isang taon na wala akong paramdam sa libro na 'to.

Maraming nangyari. Marami ring nabago. Sa paligid. Sa akin mismo.

Palagi namang may pagbabago na nagaganap.

Gusto kong tapusin ang libro na 'to na ayaw ko. Last night, I decided na ito at iyong susunod na entry na ang huling update para sa Kamalayan. However, now that I am writing here, nasabi ko na lang na ayaw ko pa.

I still want to add something in here, kahit may "Tambakan" na 'ko, at may times din na sa Twitter na ako nagbabahagi ng mga opinyon, kuwento, at mga katanungan.

It's been a year. Ako pa rin naman ito, pero alam ko na may nabago.

2017...ang pinakamadilim kong taon, but at the same time, year of enlightenment din para sa 'kin. It was my darkest year, but I realized and discovered so many things I never would have thought I would.

And I would like to share something to you.

It is true that we don't really have an identity.

Naaalala ko pa noon kung paanong hindi ako sumasang-ayon sa ideya na 'yon. Bakit ako papayag na wala akong identity?

Pero...

Walang sense na tanong ang "sino ka". Ang tanong ay kung "ano ka" at "ano ang ginawa mo".

We are humans.

At lahat tayo ay parang bote na walang laman.

What makes us different from each other, then? What makes us special?

It's our life itself.

Walang buhay na magkatulad.

Para tayong bote na walang laman, na unti-unting nalalagyan as we go on and live.

Nagkakaro'n din tayo ng iba't ibang kagustuhan, pangarap, at mga iniisip.

Maging ang magkapatid, sabihin na nating kambal pa 'yan, ay nagkakaro'n ng magkaibang buhay kahit sabay lumaki at nasa iisang bahay na may iisang magulang at community.

Maraming tao na ginagawa ang isang bagay para magkaro'n daw ng identity.

Here's the thing...

Maaaring may kapangalan ka, maaaring may katulad ka ng propesyon, pero kahit ganoon, mayro'n kang katangian na wala ang iba.

Because you lived a different life.

And isn't that enough to love ourselves? Isn't that enough to be proud kung ano tayo ngayon? We are all living and we survived, and we are still here.

Also, we didn't realize na minsan, sa paghahanap o pagsubok bumuo ng identity natin ay nakakalimutan na nating mahalin ang sarili. Sometimes, we are searching for people who will love and accept us, when in the first place, we don't even love and accept ourselves.

What is the sense of receiving such love when we don't even love ourselves?

Don't do things to make your own identity.

Do things that'll make your time here on Earth worth it.

And that is how people will see you differently.

Jose Rizal wrote. Andres Bonifacio fought.

They don't need identity. They didn't do it para magkaro'n ng pagkakakilanlan. Ginawa nila 'yon, because that is what they want to do while they are still alive.

Do what you want. Do what you love.

Maraming tao ang hindi masaya kasi wala raw silang identity. Maraming tao ang napapagod kagagawa ng identity nila.

What happened to them? They were not contented in their life.

Gusto nating mga tao na maiba mula sa nakararami. Gusto nating magkaro'n ng something na kapag nakita ng iba ay masasabi na tayo. Gusto natin na maging kakaiba para hindi tayo makalimutan ng tao.

But we didn't know na sapat na ang mismong sarili natin para maiba tayo. We didn't know na sapat na ang sarili natin para hindi tayo makalimutan. We didn't know na sapat na ang sarili natin para mahalin tayo at pahalagahan. And in searching for people who will accept and love us, we forget na sarili natin mismo ang kauna-unahang tao na magmamahal sa atin.

Identity? Such thing don't exist, but you.

KamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon