May kumakatok

60 6 0
                                    

Kinagat ko ang labi ko. Tumingin ako sa mga kasama ko rito sa silid. Hindi rin nila alam ang isasagot. Ang iba ay may ibang pinagkakaabalahan, at ang ilan ay ayaw makialam.

"Anong gagawin natin?" tanong ng isa sa amin, umaasang may sasagot kahit isa, ngunit lahat sila ay tikom ang bibig. "May...kumakatok."

"Tao po!" Narinig naming muli ang tatlong magkakasunod na paglapat ng kamao sa pinto. "May tao po ba? Tao po!"

Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago humakbang papalapit sa pintuan, ngunit hindi pa man siya nakalalayo ay nagtawanan na ang mga kasama namin.

"Ikaw magbubukas? Bakit, tao ka ba?"

At muli na naman silang nagtawanan.

KamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon