Mastermind

54 4 0
                                    

Boss 1: Ang tatanga talaga nila!

Boss 2: (Natawa) Ano pa ba aasahan mo sa kanila? Mahina talaga utak ng mga 'yon!

(Nagtawanan ang mga boss.)

Boss 1: Mga galamay at kliyente lang natin ang tinitira nila. Ang dali lang naman humanap ng bago.

Boss 3: Tama!

Boss 4: At may proteksyon kayo sa akin.

(Nagtawanan na naman ang mga boss.)

Boss 3: At nand'yan din si governor!

Boss 5: (Ngumisi lang, matapos ay ininom ang wine mula sa hawak na kopita)

Boss 1: Ano na pala ang susunod na gagawin natin? Para may mabigay tayong suhestiyon kay Big Boss.

Boss 2: Ano pa, edi sakyan ang trip nila.

Boss 1: Papatay tayo ng mga tao natin? Bobo ka na rin ba?

Boss 2: Gunggong! Syempre, tauhan ng mga kakumpitensya natin!

(Ngumisi ang mga boss.)

Boss 4: Maganda 'yan. Pang-back-up na lang ang mga tao ko. May mai-report man lang kami.

Boss 3: (Ngumiti nang malawak) Iba talaga kapag may kasama kang hepe. Mas napapadali ang pagpapatumba sa mga kalaban.

(Muli, nagtawanan ang mga boss, ngunit nahinto ang pagsasaya nila nang may pumasok sa silid na kanilang kinaroroonan.)

Big boss: Mabuti't kumpleto kayo. Gaya nang nasabi ko, ngayon darating ang ating master.

(Nagkatinginan ang mga Boss. Of course, hindi kasama si Big Boss. Ilang sandali lang ay may lalaking pumasok sa silid, at may mga Men in Black pang nakapalibot dito. Tumayo ang mga Boss bilang paggalang.)

Boss 5: Welcome to our lair, Mister Foreigner.

Master: (Lumibot ng tingin) Your place is good.

Big boss: Of course, it is. If not for the business that you introduced to us.

Master: (Natawa)

(Nakitawa ang lahat, maliban sa mga Men in Black.)

[ Alternative Titles: Mga Tawa; Tawanan; The Legendary Master; The Master, The Big Boss and the Bosses; The Mysterious Men in Black; Mister Foreigner is the Mastermind ]

Written around November 2016.

KamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon