"Di ba sabi ko, huwag kang lalapit?!" Sigaw ko sa kanya. Ngumiti lang siya nang nakakaloko.

"Your lips are still the same, it's still sweet." He said. Bigla ko siyang binato ng unan na nasalo naman niya kaya tinawanan niya lang ako.

"Nakakainis ka!" Sabi ko sa kanya ng nakasimangot. Nagulat ako ng bigla siyang humiga sa lap ko at tinignan ako sa mukha.

"Pahiga lang, medyo tinamaan na ako ng alak. Gusto ko lang mahiga sa sexy mong legs." Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Tumayo ka diyan! Ang laki laki ng ulo mo tapos hihigaan mo lang ang legs ko?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Saang ulo ka ba nalalakihan? Sa ibaba ba?" Sabi niya sabay tawa ng nakakaloko. Medyo pumipikit-pikit na siya at amoy ko na rin ang alak sa hininga niya.

"Ang bastos mo." Sabi ko sa kanya. Wala na rin akong nagawa kung humiga pa siya sa may lap ko. Dati na naman niya iyong ginagawa.

"Gwapo naman." Sabi niya pero nakapikit na siya.

"Ang kulit mo, lagot ka kay Tita Freen kapag sinumbong kita." Sabi ko sa kanya.

"Di magsumbong ka, halikan kita diyan eh." Sabi niya. Tinignan ko ang mukha niya.

His face is really smooth na tipong parang nahiya tumubo ang mga pimples sa mukha niya. Matangos din ang ilong niya na parang kay Tito Levinn at ang mga labi naman niya ay parang kay Tita Freen. I looked at his lips, his mole makes him more sexy. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya, ang nunal sa gilid ng labi niya. Parang sinadyang lagyan ng nunal ang pwestong 'yon ng labi mukha niya. Matagal ko nang naamin sa sarili ko na gwapo si Axcel, pero hindi ko iyon sinasabi sa kanya. Alam ko kasing kapag sinabi ko iyon sa kanya, lalaki na naman ang ulo niya.

Wala sa sarili akong napangiti ng bigla kong maalala na isang beses ay pumunta siya sa akin dahil nakipag-away siya sa kaklase niya. Nakipagsuntukan siya noon at ako agad ang una niyang pinuntahan, nakasimangot lang siya noon habang pinagsasabihan ko siya. Sabi niya, ayos na raw na ako ang manermon sa kanya. Kasi sa huli naman daw, patatawarin ko pa rin siya. Hindi ako nakasagot noon, kaya binatukan ko na lang siya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hanggang sa nag-college kaming pareho. Binilhan siya ng condominium na malapit lang sa school at doon kami laging tumatambay. Sinabi ko sa kanya na huwag na huwag siyang magdadala ng babae sa condo niya dahil magagalit ako sa kanya na tinupad naman niya. Ayos lang na mag girlfriend o makipaglandian siya sa ibang babae, pero huwag lang siyang maguuwi ng babae. Dahil sabi ko sa kanya, kahit na hindi kami parehong seryoso sa engagement, dapat pa rin naming respetuhin ang isa't isa.

"Poging-pogi ka na naman sa akin?" Bigla siyang nagmulat ng mata at tsaka ngumiti.

"Pogi ka diyan, di ka naman pogi. Ang pangit mo nga eh." Sabi ko sa kanya.

"Sus, indenial pa." Sabi niya. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at ilagay iyon sa may leeg niya. Tipong yakap yakap ko siya.

"Kunwari may lagnat ako, tapos aalagaan mo ako ulit. Okay?" Sabi niya sabay pikit ulit. Hindi ko na inalis ang kamay ko na nakayakap sa may braso niya. Pinakatitigan ko na lamang siya sa mukha.

"Alam mo minsan, ang kulit kulit mo. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan ka-immature. Minsan ang sarap mo sapakin, minsan nakakaawa ka, minsan naman ang bata mo mag-isip. Tapos kapag nag-iinom ka hindi ko magawang hindi mag-alala sa'yo, dahil iba nagagawa mo kapag umiinom ka. Kung hindi lang talaga kita kilala, naku matagal na talaga kitang iniwan." Sabi ko sa kanya.

"Bakit mo naman ako iiwan? Iiyak ako kapag iniwan mo ko, sige ka." Sabi niya habang ang mga mata niya ay nakapikit pa rin.

"At bakit ka naman iiyak? Baka nga kapag umalis na ako, maging masaya ka diyan eh." Sabi ko sa kanya. Mahina kong kinurot ang pisngi niya. He just groaned, a sexy one.

"Basta, iiyak ako kapag umalis ka. Subukan mo lang, iiyak ako ng iiyak. Gusto mo bang umiyak ako?" Sabi niya.

"Para kang sira diyan, lasing ka na nga." Natatawa kong sabi. Minsan na lang ako tumawa kapag kasama ko ang unggoy na 'to.

"Oo nga, bakit ka tumatawa?! Iiyak nga sabi ako kapag iniwan mo ako." Sabi niya. Bigla niyang niyakap ang braso kong  nakayakap sa kanya. Tipong ayaw niya akong mawala, ayaw niya akong umalis, at tipong huwag ko siyang iwan. Marahan kong hinaplos ang mukha niya.

Sometimes, when you give up on someone, it's not because you don't care anymore. It is because you realized that they don't. Narinig kong sabi noong bidang lalaki sa palabas.

 

"Paano kapag ako ang iniwan mo? Di ako naman ang iiyak?" Sagot ko sa kanya.

"Di hindi kita paiiyakin." Sabi pa niya. I traced his nose down to his lips.

"So it means hindi mo ako iiwan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Ayokong aalis ka, iiyak ako." Sabi niya.

"Paulit-ulit ka na lang, Montemayor." Sabi ko sa kanya.

"Sabi mo kasi iiwan mo ako!" Giit niya.

"Wala akong sinabing iiwan kita." Sagot ko sa kanya.

"Ganoon na rin 'yon, basta lagi mong tatandaan. Kapag iniwan mo ako, iiyak ako." This time nagmulat na siya ng mata. Diretso siyang nakatingin sa akin, sa mga mata ko.

"Kaya huwag mo akong iiwan kung ayaw mo akong umiyak." Seryoso niyang sabi.

"Matulog ka na nga diyan, lasing ka na." Sabi ko sa kanya. Ipinikit naman niya ang mga mata niya.

"Huwag kang aalis sa tabi ko ah, gusto ko paggising ko nasa tabi mo ako." Seryoso niyang sabi sa akin. Pinisil ko lamang ang matangos niyang ilong.

"I won't."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now