"Look, Heena. It's just a stupid engagement. We don't need to take it seriously. Mga bata pa lang tayo at sa ngayon, binabalot sila ng galit dahil sa akala nilang ginagawa natin. Makakalimutan din nila iyon 'pag malaki na tayo." Sabi niya. Bigla naman akong napaisip. He is right, he is really right.

"Minsan pala ginagamit mo rin 'yang utak mo 'no? Yes, you are right. May point ka." Sabi ko sa kanya.

"As what I've said, we don't need to take it seriously but we need to act like we are serious on it." He said.

"Okay deal, we need to act like we are serious on it pero sa harapan lang nila. Knowing how stupid and manyak you are." Sabi ko na ikisinimangot niya lang muli.

***

"Sabi ng hindi 'yan pwede! Ipapalunok ko sa'yo 'yan, makikita mo." Inis na suway ko kay Axcel. Paano, nilagyan ng upo ang cart at sabi niya ang cute raw. Bilhin daw namin.

"Sungit nito." Saad naman niya.

"Paano ako hindi magsusungit, kung pinapairal mo 'yang katangahan mo. Simpleng pag gogrocery na nga lang hindi mo pa alam, pag prito na nga lang ng itlog hindi mo pa magawang ayusin. Paano na lang kapag wala ako sa tabi mo? Ang laki mong tanga." Masungit na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin, parang hindi mo naman ako fiancée niyan." Sabi niya habang itinutulak ang push cart. Kumuha naman ako ng dalawampung fit 'n right at inilagay iyon sa cart. Mahilig kasi siya uminom ng ganoon at minsan ako rin.

"Hindi nga ako makapaniwala na may tanga akong fiancée eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Kukuha rin ako ng beer ah." Sabi niya. Kumuha naman siya ng sampung beer can at inilagay iyon sa cart.

"Bakit ayaw mong mag boyfriend, Heena?" Tanong niya sa akin.

"Gugustuhin ko pa bang mag boyfriend kung lahat na ng oras ko na sa'yo. Hindi ko nga magawang makapaggala dahil sa bawat araw na ginawa ng diyos, inaalala ko ang katangahang gagawin mo." Walang kakurap-kurap na sabi ko sa kanya. Suminangot naman siya na parang bata. Nakasuot siya ngayon ng white v-neck shirt at jersey shorts at mayroon din siyang cap na patalikod niyang suot. Lumalabas tuloy ang pagiging mestizo niya.

"Lagi mo na lang akong sinasabihang tanga, nakakarami ka na ah! Matalino naman ako ah!" Mariing wika niya.

"Aba, bakit? May reklamo ka? Kung ganoon ka naman talaga ano'ng magagawa ko?" Sabi ko sa kanya na sinabayan ko ng pagtaas ng kilay.

"Puriin mo naman ako kahit isang beses lang. Sabihan mo naman ako kahit cute lang." Sabi niya.

"Di ka aso para sabihan ko ng cute."

"Di kahit pogi, gwapo, macho o magandang lalaki man lang." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin.

Naglagay ako ng beef, pork at chicken sa cart at ilang delata. Para kung sakaling magutom siya, bubuksan na lang niya. Kumuha rin ako ng noodles at pagkatapos ay isang dosena ng itlog. Para sa susunod na buwan na siya ulit mag grocery.

"Kapag siguro natuto ka na, baka puruhin pa kita." Sabi ko sa kanya.

"Asawahin na lang kaya kita?'' Sabi niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko.

"At bakit?' Tanong ko sa kanya.

"Para hindi na ako mahirapan, tsaka aanakan na lang kita ng marami. Tutal naman sigurado na future mo sa akin." Sabi niya sa akin.

"Ngayon pa nga lang hirap na ako sa'yo, paano pa kapag nagpakasal ako sa'yo? Kaya isang malaking ayoko ang sagot ko." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Gwapo naman ako ah!"

"Ano'ng gagawin ko kung gwapo ka nga, wala naman alam 'yang utak mo kung hindi mga katangahan sa buhay. Huwag mo akong itulad sa mga babaeng nakakasalamuha mo, mas maganda na ang maging practical sa buhay. Kung pipili na lang ako ng lalaking mamahalin at pagtutuunan ko ng oras at pagod, iyon ay sa lalaking mahal ako at may alam din sa mundo. Aanhin ko ang mga tulad mong gwapo kung mangmang naman?" Sabi ko sa kanya.

"Lagi mo na lang ako inaaway, maging mabait ka naman sa akin kahit minsan oh. Tsaka hindi ako mangmang, nagkataon lang na hindi ko alam ang mga pambabaeng ginagawa mo. Tsaka lagi ka namang nasa tabi ko, hindi ko na kaylangang aralin pa 'yon." Sabi niya.

"Hindi sa lahat ng oras, nasa tabi mo ako. Darating din ang araw na aalis ako o iiwan mo ako dahil makakakita ka na ng babaeng pakakasalan mo. Sa ngayon, nandito lang ako sa tabi mo at wala pang babaeng dumarating sa tabi mo na pakakasalan mo. Iiwan mo rin ako at aalis naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Di hindi ako maghahanap ng ibang babae para hindi ka umalis sa tabi ko. At tsaka kapag natuto talaga ako ng mga ginagawa mo, hindi kita papansinin." Bulong niya na narinig ko naman.

"Di 'wag, pakielam ko ba sa'yo. Parang ikamamatay ko naman kapag hindi mo ako pinansin. At pumila ka na sa counter, bayaran mo na 'yan." Mataray na sabi ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

It's been almost seven years since my father and his family declared that we are engaged. I thought it would be a hard time for me, dahil baka hindi ko na magawa ang nagagawa nang mga normal na teenager dahil sa mayroon na akong fiancée. For almost seven years, nariyan ako lagi sa tabi niya. Kapag nakikipag-away siya at naooffice, ako 'yong unang susundo sa kanya at ako ang unang manenermon sa kanya na bakit pa niya kaylangang makipag-away. Para ano? Para mapatunayan na lalaki siya? O hindi naman kaya hahanapin niya ako at pagagawin ng project niya, dahilan niya. Responsibilidad daw ng isang fiancée na tulungan ang kanyang mapapangasawa sa mga bagay bagay. Ako naman itong tanga noon na nagpapauto sa kanya. But those things are treasure for me. Kahit pa na sabihin na hindi kami seryoso sa engagement. The memories are still there, I won't ever forget every fight we had, every laugh we shared and every day I am with him.

I won't ever forget him.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now