Pag-ibig ko'y Pangwalang Hanggan

73 2 0
                                    

Ang tagal nang panahon na siya'y nawala

Lahat naglaho pati ang tiwala

Gustuhin ko mang tumigil at maghintay

Hindi ko na kaya, Baka mamatay.

Araw-araw ako'y nasasaktan

Pagmamahal niya, akala'y makakamtan

Nagkamali ako at patuloy na lumuluha

Bakit ba mapaglaro ang tadhana?

Nakikita silang dalawang masaya

Lahat yun ay patuloy na kinakaya

Ayoko magpatalo sa nararamdamang ito

Bakit siya pa ang minahal ko?

Siguro nga ito'y katangahan

Itong aking sakit na nararamdaman

Dapat ko nang itigil to

Baka bukas makalawa'y pagsisihan ko

Isang bagay lang ang masasabi ko

Maraming salamat, Oh Mahal ko

Ako ma'y iyong nasasaktan

Pag-ibig ko'y pangwalang hanggan.

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon