Ang Sakit Pala

1.6K 3 0
                                    

Ang Sakit Pala

"Freshman palang po ako and gusto ko lang magshare ng feelings ko sana walang bad comments. Unang klase palang napansin ko na agad siya. Siya kasi yung tipo ng lalaki na mapapa nga-nga ka talaga pag nakita mo. Maputi, gwapo, malinis tignan, maganda yung katawan, matangkad, higit sa lahat magaling mag basketball kaso nga lang tahimik.

Madaming nagkakagusto sa kanya, halata naman e. Sa sobrang pagka crush ko nga sa kanya kahit babae ako. Ako pa nanghingi ng number niya sa closed friend niya. Sakto dahil nung araw na yun ay nangtitrip kami ng mga kaibigan ko at tatawagan kung sino sino. Pagdating ng uwian tinext ko siya at nagpakilala ako. Nagkatext kami ng buong araw na yun at syempre ang saya saya ko.

Kinabukasan pagka gising ko tinignan ko agad cp ko para icheck pero wala. Ang sakit pala mag assume. Napaka assumera ko kasi e ayan tuloy. Tapos ngayon parang may something na silang isang girl. Ang mas masakit pa dun, kaklase pa namin </3 Ewan ko ba, wala naman kaming past pero ang sakit sakit. Lagi ko siyang tinitignan kahit pinipigilan ko sarili ko. Pangiti ngiti lang ako pero deep inside nasasaktan na. Ngayon ganun parin nasasaktan parin ako. Sana matapos na to at maka move on na ko sa kanya. Kahit mahirap dawhil araw araw ko siyang nakikita.

Salamat sa pagbasa "

Commerce Girl
2014-2015
College of Commerce and Business Administration

The UST FilesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt