Mula sa Puso

1.6K 13 0
                                    

Mula sa Puso

Nung nursery ako, paborito ko ang kantang "Mula sa Puso". Trending kase yun that time. Lagi ko yun kinakanta.

Tapos may classmate ako. Chinito sya, cute, maputi at tahimik lang. Siguro crush ko na nga sya nun. (Diko maalala buo nyang pangalan, ang natatandaan ko lang initial "L")

Nung nagaral na ako sa USTHS, nagkaron ako ng boyfriend nung 1st yr. Tapos nakwento ko sa kanya yung crush ko nung nursery ako, only to find out sya din pala yung batang yun. Proof? pinakita nya sakin ang class pic namin nung nursery. Sobrang natuwa ako nung nalaman ko yun, feeling ko meant to be talaga kami. spark na spark! hahaha

Tapos nung minsang nagdate kami, biglang pinatugtog ang kantang Mula sa Puso. Natuwa kami pareho tapos sabi nya "alam mo bang paborito ko yan nung bata ako, lagi ko kinakantahan si Mommy nyan bago kami matulog" natawa na lang ako habang kinukwento na fave ko din yun.

Sobrang lakas ng spark.....kaso hindi eh. Naghiwalay din kami.

May kanya kanya na kaming buhay ngayon, may gf na sya may ibang bf na naman ako. but we're still good friends.

Alam namin na hanggang dito na lang talaga kami. Naalala ko lang kaya gusto ko ishare.

micaro
College of Nursing
2013

The UST Filesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن