Ang Payo ni Inay

2.3K 17 0
                                    

Ang Payo ni Inay

Habang kumakain kami ni mama ng Pizza (lot's a pizza, kasi yun lang affordchi namin) sa foodcourt sa SM

Non-verbatim

"Ma, alam mo grabe! May nakasabay ako sa Jeep kanina na lalaki. Sobrang gwapo, matangkad, Chinito saka ang bango-bango!" Sabay punas sa bibig (may dungis eh)

"Oh tapos?" Sabay kagat sa Pizza.

"Waley namern ma, pero diba crush na crush ko yung mga ganoong itsurahin. At eto pa! MED student! Maygassss bigassss!" *Hyperventilating*

"Wala ka sakin junakis (yes tawag niya yan sakin), nung kasing edad mo 'ko may nanligaw sakin na doctor. Sobrang pogi din saka mayaman kaso binasted ko eh."

"HA?! (Yes super gulat) BAKIT MA?!"

"Eh kasi aral muna junakis. Kahit gaano pa kagwapo at kayaman ang nanliligaw sa'yo walang katumbas ang diploma na matatanggap mo pag nakatapos ka ng pag-aaral. Kaya mag-aral ka muna puro ka landi diyan kurutin ko singit mo!" (Pabiro lang)

Ayurn, Lamon na lang. NGANGA

Pizza Mae Dizon
Fakultad ng Sining at Panitik
2012

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon