Pag nagpunta sa OB buntis agad?

1.6K 7 0
                                    

Pag nagpunta sa OB buntis agad?

"Inutusan ako ni mama na dumaan sa OB nya para kumuha ng medical certificate. At dahil masunurin akong anak eh pumunta ako sa OB nya. :))

Niyaya ko si blockmate na pumunta sa USTH Medical Arts bldg. Pagdating namin dun mahaba ang pila sa elevator kaya no choice, naghagdan kami papuntang 5th floor.

Saktong pagdating namin sa hallway ng clinic maraming nakaupo na preggy mommies kasama yung mga asawa nila. (malamang clinic ng OB yun eh. haha)

At grabe lang ang tingin nila samin, nun ko lang naisip naka uniform pa kasi kami nung nagpunta dun tapos dirediretso pa ko papasok sa clinic nung doktor. Yung tingin nila samen grabe, parang pinapahiwatig nila na, ""Ang bata bata pa buntis na agad.""

Huhuhu. Hindi po ako buntis. May sinadya lang po ako sa clinic na yun. Grabe naman po kayo saken.

NaligawSaOB
2014
Faculty of Arts and Letters

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon