The Beast and the Prince

2K 15 0
                                    

"""The Beast and the Prince""

Naranasan niyo na bang makasakay ng pnr na train? Kung hindi pa, well, it's a ride worth experiencing.

Nakasanayan ko nang sumakay ng pnr tuwing nagtatravel ako ng back and forth sa UST at sa amin. Siksikan ang pagsakay dun kasi napakaraming umaasa sa murang fare. One time sobrang nagmamadali na akong makarating ng Espana dahil malelate na ko. Prelims namen sa major nung araw na yun. Sa pagmamadali ko hindi na ko sumakay sa females' area at pumunta nalang sa kung anong nasa harap ko. Mas siksikan ang train dahil rush hour. Nadala na rin nga ako ng daloy ng tao sa bandang gitna. Tapos ayon, umandar na yung train.

Maya't maya naramdaman kong parang may tumutusok sa may bandang tagiliran ko. Tiningnan ko kung sino. Mukhang late 40's to 60's na si kuya, mga 5'8 ang height, at NAPAKATABA. Tawagin nalang natin siyang Dumb-O.

Akala ko nung una nagfi-firm lang yung muscles niya sa legs dahil nagba-balance siya. Hindi ko pinansin. Pero nung kinatagal tagal na, napansin kong parang iba na talaga eh. Pusa, nagfa-flag ceremony na pala si Junjun! Grabe yung takot ko. 1st time ko lang ma-feel yon, kaya nanghina talaga ako at nanginig sa takot. Nag-shift ako ng pwesto, at ang gag* sumunod din! Tapos yung kamay niya nag-eexplore na. Pinipilit kong itulak yung kamay niya papalayo sa akin, pero pre, ang tibay ng hayop. Pinagsabihan ko siya sa nanginginig at nagpapaka-tatag na boses, pero nag-turn lang siya nonchalantly. I felt so hopeless until...

""Miss, dito ka nalang oh. Paraanin niyo siya please."" He looked like he was in his late teens, wearing a yellow polo shirt, sporting a black backpack at may white earphones na suot. He was a perfect depiction of ""tall, dark and handsome"". Tawagin nalang natin siyang ""Prince"". Grabe yung relief ko nun sa sinabi niya. Nung nakita niya ako, he was kind enough para bigyan ako ng space sa upuan, kahit siya mismo mukhang hirap na hirap na sa siksikan. Nagthank you nalang ako at umupo. Tapos nun talagang bumagsak na luha ko. Hindi ko alam kung san ako mas maiiyak, dahil late na ko sa prelim exam ng major ko o dahil na-violate ako. Nagtuluy-tuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makarating na sa station na bababa si prince. Nakatayo siya sa tapat ko nun buong biyahe, nagulat nalang ako nang bigla siyang may hinulog na pirasong papel at kumaripas palabas ng train. Nagtaka pa nga ako nung una bat sakin pa siya naghulog ng basura. Ticket niya pala yon, tapos sa kabila may mga salita na nag-eeffort i-comfort ako.

Para kay kuyang nag-save sakin, sobrang thank you talaga! Ni hindi ko man lang yan nasabi sayo ng personal, ambilis mo kasing umalis. Salamat dahil kahit papaano napagaan mo yung loob ko. Hindi ko ma-fathom kung pano ka pa nakapagsulat nun, pero your effort is surely appreciated. Sana magkita pa tayo ulit ""

----------
This is not part of the story hehehe May picture kasi yung papel eh. Di ko ma upload. Sorry.

The UST FilesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum