PROUD VIRGIN

2.7K 17 0
                                    

PROUD VIRGIN

Sa panahon ngayon hindi na big deal kung virgin ka pa o hindi. Pero para sakin big deal pa din yun Kaway kaway sa mga katulad ko jan! Sana mapost tong story ko dahil gusto kong ishare sa inyo itong naranasan ko. So eto na nga

4th year highschool ako nung naging kami. Halos lahat ng first time kilig moments ko sa kanya ko naranasan. Halos lahat talaga pwera lang sa isa at yun nga ay ang "Sex". Pinipilit nya kong ibigay yung virginity ko, pero ayaw ko talaga pumayag. There are times na natetemp akong isuko na ang "kimchi" ko pero biglang nagfaflash sa utak ko ang boses ng nanay kong mala armalight na nagsasabing "WAG MONG ISUKO ANG BANDERA ANAK!" (Capslock para intense hahahaha) So ayun nga. Pinipilit nya ko pero hindi ako sumuko. Hello! 2 months pa lang kaya kami and yun agad gusto nya? Pwe. Hahaha. Dahil nga sobrang mahal ko bf ko hindi ko sya iniwan kahit mejjo na turn off ako sa gusto nya. So ayun our relationship lasted about 1 year and 1 month. After our 13th monthsary pumunta ako sa kanila dahil may sakit daw sya. So ayun, pagdating ko sa kanila walang tao dedma lang ako. Nadatnan ko syang nakahiga sa sala nila kasi nga never akong pumasok sa kwarto nya. Tapos ayun inalagaan ko sya. After an hour he requested na tabihan ko sya sa paghiga. Nung una ayaw ko kasi naisip ko malibog nga pala tong hayop na to. Hahahahaha. Pero naisip ko din na may sakit sya kaya pinagbigyan ko na. So ayun tumabi ako sa kanya. Niyakap nya ko ng sobrang higpit *kelegmeh* hahaha. Tapos maya maya hindi na ko komportable sa ginagawa nya. He started kissing me with force. Yung tipong di na ko makagalaw sa sobrang gigil nya. He started kissing my neck. Pumapalag na ko. Pero hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. Hindi na ko makagalaw. Naiiyak na ko nung time na yun. Huhubarin na nya yung damit ko pero hindi ko hinayaan yun. Inipon ko ang lahat ng lakas na natitira sa katawan ko para makalaban ako. When he was about to strip my clothes bigla ko syang sinapak. Natauhan naman sya at pinakawalan ako. Umiyak ako. Pero sya walang imik. Ni sorry wala akong narinig. Lumabas sya, naiwan akong umiiyak. Naiwan nya din yung phone nya. May tumatawag, hindi ko sana sasagutin pero nakita ko girl yung tumatawag so sinagot ko. Nagulat ako sa sinabi nung girl "Baby nasan ka na? Sogo tayo ah?" P*T*NG *NA LANG! SHET. Di ko na alam gagawin ko! Sa sobrang inis at sakit na naramdaman ko hindi ko na napigilan yung sarili ko. Tinext ko yung babae at nalaman kong 7 months na pala nya kong niloloko. Umalis ako sa kanila hindi ko na sya hinintay at simula num never ko na syang kinausap.

Kaya girls! Wag isusuko ang kepyas sa lalaking hindi naman ito deserve! Hanggat wala syang napapatunayan eh wag mo munang isuko! Kahit sabihin nilang mahal na mahal ka nila wag kang maniniwala! Dahil pang front lang nila yan para pumayag ka! At sa mga lalaki namang puro libog ang pinapairal! Pakyu kayo! Magaral muna kayo! At sa mga niloloko lang kaming mga babae, isang continental pakyu po! Ang gaganda namin para lokohin nyo kami! Che! HAHAHAHAHA. AT PROUD NA PROUD PA DIN AKONG SABIHIN NA HINDI KO SINUKO ANG VIRGINTY KO SA MALING LALAKI! AT HINDI KO PA DIN SINUSUKO HANGGANG NGAYON

MsGorgeous

The UST FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon