CHAPTER 26- The Betrayal

4.9K 77 5
                                    


The Betrayal
---oOo---

“ATE, Samantha! Ate, gumising ka...”

Dahan-dahan na binuksan ni Samantha ang kaniyang mga mata nang marinig niya na parang may tumatawag sa kaniya. Nang medyo mabuksan na niya iyon ay parang may nakikita siyang bulto ng tao na nakatayo sa harapan niya. Kinurap-kurap niya ang kaniyang nga mata para maaninag niya ng maayos ito. Isang batang lalaking nakangiti ang nasa harapan niya. Kamukha nito ang kapatid niyang si Caleb. Naka-unat ang kamay nito na parang sinasabing abutin niya ito. Iginala ni Samantha ang mga mata niya sa hindi pamilyar na lugar na kinaroroonan niya. Puro puti lang ang nakikita niya sa paligid. Maging ang suot na damit ng batang kamukha ng kapatid niyang si Caleb ay kulay puti rin. Dahan-dahan namang gumalaw si Samantha habang naka-unat ang kamay niya at inabot niya ang kamay nito. Tumayo na siya nang mahawakan na niya ang kamay nito. Ano’ng lugar ito? Patay na ba siya?

Naglakad na ang batang lalaki habang hawak nito ang  kamay niya. Wala siyang ideya kung saan ba siya dadalhin ng batang iyon.

“S-saan mo ako dadalhin, Caleb?” Hindi na niya mapigilan pa ang magtanong dito.

Huminto ito at dahan-dahan siya nitong nilingon. “Sasama ka na sa akin, ate.” nakangiting sagot nito.

“Saan?” mabilis na tanong niya.

“Sa lugar kung saan ay walang kalungkutan.”  walang emosyon na sagot nito.

“Ayoko! Ayokong sumama sa’yo, Caleb. Naghihintay pa sa akin ang asawa ko.” binitawan niya ang kamay nito. Alam niya kung saan ang lugar na iyon. Sa langit ang tinutukoy nito. Hindi pa siya patay! Hindi maari. Gusto pa niyang makasama ang asawa niya. Gusto pa niyang mabuhay ng matagal.

“Wala ka nang magagawa. Nandito ka na. Kailangan mo na lang tanggpin na patay ka na.” bwelta nito.

“Sumama ka na sa amin, Sam...” nabaling ang tingin niya sa taong nagsalita. Nakikilala niya ang taong iyon. Si Oliver iyon. Malaki ang ngiti nito na tila masaya itong makita siya.

“Oliver, ayoko. May naghihintay pa sa akin. Ang asawa ko. Si Zach! Hindi ko kayang iwan siya.” parang maiiyak nang turan niya. Ayaw pa niyang mamatay!

“Tanggapin mo na na ito ang kapalaran mo. Sumama ka na lang sa amin.” tipid ang ngiti na paanyaya nito at lumapit ito sa kaniya para hawakan ang kamay niya.

“Hindi maari. Bitawan mo ako, Oliver! Ayoko!” pagpupumiglas niya. Nabitawan siya nito mariin siyang bumagsak sa kinatatayuan niya.

“Kung iyan ang gusto mo hindi ka namin pipilitin...” pagkasabi niyon ni Oliver ay unti-unti na ring naglalaho ang mga ito sa harapan niya. Hanggang sa mawala na ang mga ito nang tuluyan.

Napangiwi na lamang si Samantha nang maramdaman niya ang biglang pag-init ng paligid niya.

---oOo---

ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Samantha nang magising siya panaginip niyang iyon. Sa panaginip niya ay sinusundo na siya nina Caleb at Oliver. Salamat naman at hindi siya sumama sa mga ito. Gusto pa niyang mabuhay.

Napagtanto ni Samantha na nasa loob pa rin pala siya ng nasusunog na kubo. Natutupok na ang paligid niya ng apoy. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para maka-alis doon!

Nagsimula na siyang gumapang. Kahit malabo ang nakikita niya ay patuloy pa rin siya sa paggapang hanggang sa may nakita siya na pwede niyang daanan. Medyo maliit lang ang apoy sa bahaging iyon kaya pwede siyang makadaan doon. Pero paano kung mapaso siya? Wala na rin naman siyang pagpipilian kesa wala siyang gawin para maka-alis doon.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now